Ang Balat Sibuyas ay kwento ni Dennis Evangelista tungkol sa isang pamilyang nabubuhay sa pagtatanim at pagbi-benta ng sibuyas.
Kasama rin sa pelikula sina Tommy Abuel na may asawat anak, sina Melissa Mendez at Halina Perez at ang other woman and daughter niya portrayed by Chanda Romero and Jeannette Joaquin. Love interests nina Halina at Jeannette sina Leandro Baldemor at Allen Dizon. Mula sa direksyon ni Francis Jun Posadas.
Ang ATB4 Films, Inc. ay nakamatayan ni Lita Buenaseda pero ipinagpapatuloy ng kanyang asawat ng si Noly Buenaseda, at mga anak na sina Baby, Tet, Allan at Anna.
"Marami ang tumututol nung una sa relasyon namin. Ang hindi nila alam napaka-bait na tao ni JC. Ikalawang araw pa lamang ng pagta-trabaho namin ay nakita ko agad ang magaganda niyang qualities. Bagaman at nagsimula siya sa wala, sa pagtitinda ng dyaryo at pagtatrabaho sa Jollibee, sa sipag at tiyaga niya ay nakapagpundar siya. Mayroon na siyang bahay sa Malolos, Bulacan at isang 4-storey building sa Caloocan. Mayroon na rin siyang dalawang sasakyan kahit unportunately ay na-carnap yung Pajero. Ma-diskarte si JC. Hindi niya ako mapapabayaan, masasandalan ko siya. Pero, ako rin naman ay may dalawang bahay na, may dalawa rin akong sasakyan at stable na financially and morally.
"Naiintindihan ko naman kung bakit nagulat ang mga pamilya at kamag-anak ko. Milyonaryo kasi ang mga exes ko. Maski mga anak ko, ayaw siyang pansinin nung una. Inabot yata ng apat na buwan bago nakuha ni JC ang loob nila. Ako rin naman kinausap ko sila, sinabi ko sa kanila na mahal ko si JC at siya ang sagot sa mga prayers ko. Ngayon kapag nagkakasamaan kami ni JC ng loob, alalang-alala ang mga anak ko, lalo na yung bunso ko na mahal na mahal si JC."
Inamin ni Melissa na marami siyang failed relationships pero, "Wala akong kasalanan. Siguro, impatient lang ako. Dati kasi, konting bagay lang umaayaw na ako. Siguro nag-mature na ako. Marami na kaming storms na dinaanan ni JC. Stronger na kami pareho," dagdag pa ni Melissa who looks young and pretty para maging mother ng mga grown up stars like Halina in Balat Sibuyas. "I dont mind, wala naman akong tinatanggihang role," pagtatapos niya.