Kamakailan lang ay nasa bansa si Paolo Montalban para magbakasyon. Nakagawa siya ng isang movie sa Star Cinema, ang American Adobo na tinangkilik naman ng publiko. Follow-up movie nito ang The Great Raid with Cesar Montano na kinunan pa sa Australia.
Sa panayam ko sa kanya sa SOP, sinabi nitong balak siyang kunin ng ABS-CBN pero hindi siya kaagad pumayag dahil exclusive contract ang offer sa kanya ng Dos.
Besides, nag-alok din ang Kapuso sa kanya pero kaagad namang sinabi nito na mas mainam ang open relationship between ABS-CBN and GMA.
Freelancing is better than being an exclusive contract star for either networks. Plus, napakarami pa rin niyang naiwanang commitment pa sa US. Narito lang siya just for vacation. BAC