Sa kabilang banda ay hinihintay pa nila ang final negotiation tungkol sa soap opera na gagawin ni Jolens sa Syete. Ngayon pa lang ay iniintriga na si Jolens kung saan sinasabing lalala ang kanilang sinasabing away ni Angelika dela Cruz dahil malalaman kung sino ang tunay na reyna sa GMA 7.
Ano ang reaksyon dito ng aktres? "Naku, hindi po totoo yan. Magkaibigan kaming dalawa ni Angelika at hindi namin pinapansin ang anumang intriga tungkol sa amin. Ayaw naming masira ang aming friendship. Kaya never kaming papatol sa ganyang negatibong balita. Basta masaya kami ni Angel at matatag ang aming pagkakaibigan," ani Jolens.
Sa kabilang banda, hinihintay na rin ng kampo ni Jolina ang pasabi mula kay Fernando Poe Jr. para masimulan ang proyekto nilang dalawa. Ito ang dream project ni Jolens kung saan matagal na niyang pangarap na makasama ang hari ng pelikulang Tagalog. May offer din ang Viva Films kay Jolens para gawin ang Annie Batungbakal. Bukod sa Kahit Kailan ay ratsada pa rin ito sa mga TV appearances at mga shows sa loob at labas ng bansa.
"Totoo bang ayaw mo pang magkanobyo ang iyong anak?" tanong ko kay Daddy Jun.
"Nasa tamang edad na si Jolina para makapagdesisyon. Marami namang nanliligaw pero hanggang ngayon ay hindi pa niya mapili ang lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya. Kahit tinutukso sila ni James Blanco ay mabuting magkaibigan pa rin ang kanilang pagtuturingan. Sinusundo siya nito kapag may taping sila at lumalabas din for a date pero may kasama silang ibang barkada. Enjoy naman ang dalawa sa mga lakaran. Lets wait and see na lang kung totoo ngang nililigawan nito ang aking anak," sey pa ni Daddy Jun.
Inamin ni Mark na bata pa ay mahilig na siyang mag-artista at kahit maghubad ay kaya nito bastat sumikat lang. Kaya naman sa pelikulang Matamis Hanggang Dulo ay may maiinit na eksena ito kay Yda Manzano at si Maye Tongco. "May relasyon kami ni Yda sa movie kung saan mas torrid ang mga eksena kaysa kay Maye. Hindi ako naglagay ng plaster sa aking ari dahil masakit kapag tinanggal. Hindi rin naglagay ng plaster si Maye kaya na-turn on ako sa kanya," sey nito.
Fourth year na sa college si Mark sa PSBA kung saan kumukuha ito ng Management nang huminto muna dahil sa pag-aartista. "Sayang kasi ang pagkakataon. Minsan lang ito kung dumating sa buhay. Pero ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral balang araw. May follow-up movie na ako titled Malagkit. Type kong makapareha balang araw si Aubrey Miles kasi ang lakas ng dating niya sa akin," pagtatapos pa nito.
Dahil sa pangyayari ay ayaw nang makasama ni Actor-Pulitiko A si B sa pelikula na gagawin nila this year. Magko-concentrate na lang si A sa isang period movie na siya rin ang bida kung saan magiging abala na ito sa syuting this month.
Feeling tuloy ng ilang baklitang reporter ay nainsekyur si B kay A dahil mas popular it at mas ma-PR lalo na sa media.