Nagharap na ang dalawa nang mainterbyu ang aktor at naging open sa pagtatanong si Kris na kung sakaling sagutin niya ang iluluhog nitong pag-ibig ay hindi kaya siya paluhain nito?" Paluluhain kita sa sarap... dahil sa tapat kong pagmamahal!" sey ni Vic.
Ratsada ngayon sa paggawa ng pelikula si Kris sapul nang manalong Best Supporting Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival kung saan sisimulan na ang movie nila ni Robin Padilla under FLT Films.
Inamin naman ng aktres na inabuso niya ang kasikatan noon kung saan lagi siyang nali-late sa syuting kaya nga nabansagang "pagong". Ngayon ay todong nerbyos ang inaabot nito kapag na-late lang ng 15 minutes. "Ayaw ko nang matawag na pagong. Mayroon na akong disiplina sa sarili at nahihiya na rin ako kay Lord dahil ilang beses niya akong pinagbigyan," sey pa ng aktres.
Nagsabi rin si Gob. Lito Lapid na muli silang sasali kahit huli sa ranking ang Lapu Lapu. Itoy tungkol sa World War II na pinamagatang Bataan. Gagastusan din nila ito ng malaki. Sa Regal Entertainment naman na consistent sa pananalo bilang Best Picture sa MMFFP ay gagawa pa ng de-kalidad na pelikula na ididirek ni Jeffrey Jeturian. Kapag natuloy ang Viva Films ay isasali nila ang movie adaptation ng May Day Eve ni Nick Joaquin sa script ni Pete Lacaba sa direksyon ni Joel Lamangan. Lahat ng pelikula sa nakaraang MMFFP ay kumita sa takilya kaya ito ang nagsilbing inspirasyon para pagandahin ang kanilang mga entries.
Ang pelikula ay binusising mabuti ni Direk Bebong Osorio.
May pusong Pinoy si Jacky na kilala na rin sa bansa dahil nakatatlong pelikula na ito, nakapag-release ng album sa Viva Records at nakasama ni Binoe sa mini-TV series na Satsu.
Ginampanan ni Binoe ang papel ng isang Huk na may sariling paniniwala at pagmamahal sa bayan. Siyay si Gregorio Magtanggol at magtatagpo sila ng landas ng Japanese officer na si Major Masayuki Yamato na gagampanan ni Jacky. Dito iikot ang kasaysayan ng Alab ng Lahi na mula sa istorya mismo nina Robin at Direk Bebong Osorio.