Robin di puwedeng sumali sa mga protesta laban sa gobyerno
January 22, 2003 | 12:00am
Hindi pa man nagsisimula ang shooting ng unang tambalan sa pelikula nina Robin Padilla at Kris Aquino sa FLT Films entitled You And Me Against The World pero may reklamo na agad si Kris Aquino.
"Insecure ako sa iyo Long (Mejia), panimula niya nang makita ang komedyante sa contract and story conference ng nasabing movie sa opisina ng FLT nung Sabado ng hapon." Nabasa ko sa script na mas marami kang scenes at highlights kesa sa akin," sabi niyang may pagbibiro.
Ang You And Me Against The World ay isang kakaibang love story na hinaluan ng action at mystery at mula sa panulat ng direktor din ng pelikula na si Joe Carreon.
"Matagal na kaming balak na pagsamahin sa pelikula ni Kris, sa Regal, Viva. Pati nga yung mga pamilya namin na-involved pa, yun pala sa FLT lang kami matutuloy," ani Robin na nagpaliwanag nga pala sa di niya pagsali sa ginawang rally ng mga taga-pelikula laban sa 10% VAT.
"Bawal sa akin na sumali sa ganitong mga protesta laban sa gobyerno dahil parolado ako. Dati nga gusto kong magprotesta laban sa Censors nang putul-putulin nila ang Hari ng Selda pero, di pwede. Siguro kapag tuluyan na akong pinalaya. Dalawang beses isang buwan kailangan kong mag-report sa aking parole officer," aniya.
Bukod sa pelikula niya sa FLT, tuloy na ang soap niya sa ABS-CBN kapartner si Judy Ann Santos. Kargador ang role niya kaya sana ay pinagba-barbel siya para lumaki ang katawan niya pero, tumanggi siya. "Ayaw kong ma-disporma ang katawan ko," ang sabi niya.
Masayang-masaya si Dinah Dominguez nang makita ko sa open house na ginawa para sa La Finca Country Resort, isang farm resort sa Lipa, Batangas na pag-aari ng kanyang kasalukuyang mahal sa buhay, ang ex-mayor ng Lipa, Batangas na si Ruben Umali. May limang buwan na pala ang kanilang relasyon na matagal na sanang nagsimula pero ngayon lamang itinakda, nang kapwa na sila libre sa kani-kanilang mga kapartner sa buhay.
Masaya kaming inilibot nina G. Umali at Dinah sa farm resort na parang drawing sa ganda. Napapaligiran ito ng bundok at halamang kundi berdeng-berde ay may kulay na bulaklak kaya napakalamig ng paligid. Sa tabi ng bahay ay may isang nursery ng mga sariwang gulay, prutas at mabulaklak na halaman. Mayroon ding greenhouse na kung saan nakatanim ang napakaraming honeydew melons. Nang araw na pumunta kami dun ay nakasabay namin ang maraming pami-pamilya na dumating para tingnan ang lugar na mayroong fully managed farm estate, power supply ng kuryente at tubig, telepono, internet access, cable TV, aspaltadong lansangan at perimeter fence.
Magtatayo rin dito ang Leandro V. Locsin Partners ng restaurant, health spa, gym, game and function rooms, swimming pool, tennis court, cabanas, playground, camping at picnic grounds walkways, jogging trails, fishing lagoon, foot and hanging bridge, treehouse.
Masasabing napakaswerte ni Dinah na makatagpo ng isang bagong mamahalin sa katauhan ni G. Umali at sa pagkakaroon ng dalawang grown up girls, sina Champagne at Diamond, na masaya sa pagkakatagpo ng kanilang ina ng bagong pag-ibig.
Wala pang isang buwan sa ere ang programa ni Claire dela Fuente sa radyo na Usapang Claire na nagsimula bilang isang weekly program pero na-elevate agad ito sa isang daily program, 9:30 n.u. - 11:00 n.u., Lunes hanggang Biyernes. Unti-unti ay dumarami ang followers nito kaya si Claire ay unti- unti nang nababansagan na "Darling of the Airlanes".
Dahilan sa kanyang pagiging epektibong broadcaster, kinuha siya ni Gen. Romeo Maganto para maging co-host sa programa nito sa IBC13, ang martial arts show na Tapondo at Tigasin. Marami ang naniniwala na masusundan pa ito ng iba pang programa.
"Insecure ako sa iyo Long (Mejia), panimula niya nang makita ang komedyante sa contract and story conference ng nasabing movie sa opisina ng FLT nung Sabado ng hapon." Nabasa ko sa script na mas marami kang scenes at highlights kesa sa akin," sabi niyang may pagbibiro.
Ang You And Me Against The World ay isang kakaibang love story na hinaluan ng action at mystery at mula sa panulat ng direktor din ng pelikula na si Joe Carreon.
"Matagal na kaming balak na pagsamahin sa pelikula ni Kris, sa Regal, Viva. Pati nga yung mga pamilya namin na-involved pa, yun pala sa FLT lang kami matutuloy," ani Robin na nagpaliwanag nga pala sa di niya pagsali sa ginawang rally ng mga taga-pelikula laban sa 10% VAT.
"Bawal sa akin na sumali sa ganitong mga protesta laban sa gobyerno dahil parolado ako. Dati nga gusto kong magprotesta laban sa Censors nang putul-putulin nila ang Hari ng Selda pero, di pwede. Siguro kapag tuluyan na akong pinalaya. Dalawang beses isang buwan kailangan kong mag-report sa aking parole officer," aniya.
Bukod sa pelikula niya sa FLT, tuloy na ang soap niya sa ABS-CBN kapartner si Judy Ann Santos. Kargador ang role niya kaya sana ay pinagba-barbel siya para lumaki ang katawan niya pero, tumanggi siya. "Ayaw kong ma-disporma ang katawan ko," ang sabi niya.
Masaya kaming inilibot nina G. Umali at Dinah sa farm resort na parang drawing sa ganda. Napapaligiran ito ng bundok at halamang kundi berdeng-berde ay may kulay na bulaklak kaya napakalamig ng paligid. Sa tabi ng bahay ay may isang nursery ng mga sariwang gulay, prutas at mabulaklak na halaman. Mayroon ding greenhouse na kung saan nakatanim ang napakaraming honeydew melons. Nang araw na pumunta kami dun ay nakasabay namin ang maraming pami-pamilya na dumating para tingnan ang lugar na mayroong fully managed farm estate, power supply ng kuryente at tubig, telepono, internet access, cable TV, aspaltadong lansangan at perimeter fence.
Magtatayo rin dito ang Leandro V. Locsin Partners ng restaurant, health spa, gym, game and function rooms, swimming pool, tennis court, cabanas, playground, camping at picnic grounds walkways, jogging trails, fishing lagoon, foot and hanging bridge, treehouse.
Masasabing napakaswerte ni Dinah na makatagpo ng isang bagong mamahalin sa katauhan ni G. Umali at sa pagkakaroon ng dalawang grown up girls, sina Champagne at Diamond, na masaya sa pagkakatagpo ng kanilang ina ng bagong pag-ibig.
Dahilan sa kanyang pagiging epektibong broadcaster, kinuha siya ni Gen. Romeo Maganto para maging co-host sa programa nito sa IBC13, ang martial arts show na Tapondo at Tigasin. Marami ang naniniwala na masusundan pa ito ng iba pang programa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended