^

PSN Showbiz

Mark Anthony kontrabida ni Robin

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Isa pala sa masugid na manliligaw ni Dimples Romana ay itong 2002 UAAP MVP na si Enrico Villanueva. Isang malapit kay Dimples ang nagkwento sa amin na seryoso ang cager sa panliligaw kay Dimples. Pero hindi sinerysoso ni Dimples ang panliligaw nito dahil marami na itong nabalitaan na maraming girls ang naghahabol sa cager.

"In fairness, seryoso talaga si Enrico," kwento ng source ko. "He sends flowers. He calls up Dimples every now and then. Pero takot si Dimples eh. Kilala n’yo naman how popular Enrico is sa mga girls. Baka di rin sila magkasundo."

Hindi lang alam ng source namin kung ano na ang naging developments ng ligawan ng dalawa. Kung tutusin ay pwede na talagang ligawan si Dimples dahil she is already 18 (yes, 18 lang siya sa height niya!) at ito ang ipinangako sa kanya ng kanyang parents. Pero sa ngayon, Dimples wants to concentrate sa kanyang career. Lovelife, aniya will take the backseat daw muna.

Isa siya sa promising young actresses ng ABS-CBN at napapanood siya sa Kay Tagal Kang Hinintay. Dahil nga sa husay niya, na-extend pa ng ilang buwan ang karakter niya sa said teleserye.

Si Enrico nga pala ay ang bagong Bench FIX Gel endorser along with BJ Manalo who is from De La Salle University naman.
* * *
Ngayong tapos na Recuerdo de Amor, nagkaroon ng pagkakataon si Baron Geisler na ituloy na ang plano niyang pagpapaganda ng katawan. Inamin ni Baron na dahil sa busy schedule niya sa tapings ng Recuerdo de Amor at Tabing Ilog, he hardly had the chance to take his gym seriously.

"Kasi both shows require 2 days tapings each. Minsan, nagti-three days pa. So, hindi ka naman pwedeng mag-work out pag puyat kaya itinutulog ko na lang yung day na free ko. But now na lighter ang load ko, may time ako to work on my body," kwento ni Baron.

Kailangan na ni Baron na maging well-toned ang kanyang katawan dahil naka-schedule na siyang mag-photo shoot para sa billboard ng Harvard USA kung saan local celebrity endorser siya.

Bukod sa time sa gym, may time rin si Baron ngayon sa kanyang pamilya. Madalas ngayon na nakakasama niya ang mga itong kumain ng dinner. "Ang sarap ng feeling kasi complete kami, although wala na si Daddy. Ngayon I even invite friends sa bahay na mag-dinner," dagdag na kwento nito.

Sa pagkawala ng Recuerdo de Amor, marami ang nagtatanong kung ano ang follow up project ng aktor.

"I have yet to ask them (ABS-CBN Talent Center) pero ang sabi meron daw, inaayos lang. Ako naman, okey na sa akin na may word na meron akong bagong show, although Tabing Ilog is still there and we’re still number one in our timeslot," ani nito.

Sa lovelife, malinaw na zero si Baron. His non-showbiz girlfriend left for the States last year. Dinamdam nang husto ni Baron ang pagkawala ng kanyang girlfriend pero ayon sa kanya, sila pa rin.
* * *
Mukhang tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ng paborito naming si Mark Anthony Fernandez. Kasama siya sa bagong movie na sisimulan nina Robin Padilla at Kris Aquino under FLT Films. Sa nakaraang contract-signing and story conference ng said project, isang napakagwapong Mark Anthony Fernandez ang dumating. Malaman, ang tamang description sa bagong look ngayon ni Mark Anthony. Naroroon pa rin ang kagwapuhan ng aktor. He is still the same Mark Anthony na napaka-warm. Isa ito sa mga ugali ng aktor na hindi nagbago. Kaya sa kanyang pagbabalik, isa kami sa pinakamasaya para sa kanya.

In the movie, Mark plays kontrabida to Robin but he doesn’t mind. "The fact that I will be working with Robin Padilla, it’s enough honor," sabi nito.

Marami ngayon ang worried kung paano ipu-portray ni Mark Anthony ang offbeat role gayong naroroon pa rin ang kanyang boyish looks.

"Ako na ang bahala run," sabi ng aktor. "Sa Hollywood naman, kahit yung nagbibida, they portray ofbeat roles na rin. Kaya nga excited ako sa project kasi makakapag-experiment ako sa looks ko."

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ng dati kong anak-anakan. Naging malapit ako kay Mark Anthony noong nasa poder pa lang siya ni Tito Douglas Quijano. Sa totoo lang, isa si Mark Anthony sa pinakamabait at sincere na artistang nakilala namin dito sa showbiz.

Welcome back, Mark Anthony!
* * *
Gusto naming pasalamatan sina Dr. Emilio Cadayona at Dr. Maximiano Elgar ng Capitol Medical Center sa pag-aasikaso nila sa akin nang ma-diagnose na mayroon akong disc prolapse. Gusto ko ring pasalamatan ang kanilang mababait na staff at ang mga taga-Emergency (out-patient), Laboratory at Rehabilitation Department ng CMC.

Ongoing pa ang treatment at medication ko but they make sure na gumaganda ang aking pakiramdam at napapadali ang aking paggaling.

Salamat po.

ANTHONY

CENTER

DIMPLES

ISA

MARK

MARK ANTHONY

MARK ANTHONY FERNANDEZ

PERO

RECUERDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with