"He just wants to congratulate me for winning in the recently- concluded Metro Manila Film Festival Philippines 2002," ani Kris sa presscon na ibinigay ng FLT Films para i-welcome siya dahil pumayag na siyang gumawa ng pelikula sa kanila kasama si Robin Padilla na pinamagatang You And Me Against The World, titulo rin ng kanilang theme song ni Robin nun. "Wag nang bigyan pa ng ibang kahulugan yun, no!" pakiusap niya.
"With all the blessings that Im getting now, I promise to be a good girl," dagdag pa niya sabay bati kay Chit Ramos, ang magiging PRO ng kanyang pelikula at nakasamaan niya ng loob.
"More than the trophy, I feel that I did a good job in Mano Po. Feeling ko sumugal si Mother Lily (Monteverde) at nanalo siya. Kaya nga tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya na siya ang susi sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa akin ngayon. Sabi niya kung totoo raw yun bakit hindi siya ang nakikinabang sa akin," ani Kris na may kasamang hagikgik.
Marami ang nakakapuna na hindi lamang sa acting nagiging daring si Kris. Maging sa kanyang bihis ay nakakapuna ng malaking pagbabago. "Thirty one years old na ako. Ayaw ko namang maging daring kapag 40 na ako. Gusto ko ngayon na. At saka ang tagal-tagal bago ako nawalan ng bilbil, so sasamantalahin ko na.
"Im really grateful. Mano Po revived my career and made me an actress. When I renewed my contract with ABS-CBN, sinabihan nila ako na may movie ako with them. I also signed up with Mother Lily for a movie with Joel Lamangan. Nilagay din nila ako sa Sa Dulo ng Walang Hanggan. Di ko alam kung makakaya pa ng schedule ko dahil Im co-hosting Morning Girls with Korina Sanchez for two weeks.
"Many are wondering kung bakit parang nagmamadali ako pero kasi naniniwala ako na dapat samantalahin ko ang panahon, strike while the iron is hot. I like to save dahil there is this house that Id like to buy. May swimming pool ito na sure akong magugustuhan ni Josh," pagtatapat niya.
Nakiisa sa mga raliyista sina Senador Ramon Revilla, Loi Ejercito at Congressman Imee Marcos na mayroon na palang isinampang bill sa Kongreso, pero, hindi nagpapatigil ng 10% VAT kundi humihiling ng exemption sa mga manggagawa ng industriya na mayroong maliliit na kita.
Hindi lamang mga artista at ang kanilang mga manager ang dumalo sa rally. Narun din ang mga manganganta, ang mga atleta at maging yung mga maliliit na artista na siyang maaapektuhan ng 10% VAT.
Sayang at di nakita sa rally si Mayor Vilma Santos na ang asawang Senador ang unang-unang nagsususog ng nasabing buwis dahil daw sa kapistahan ng Lipa, Batangas at ang archrival niyang si Nora Aunor. Wala rin yung mga kabataang artista, lalo na sa TV na tatamaan din ng nasabing buwis na matagal na palang naisa-batas pero ngayon lamang ipapatupad.