Ralph kinakalaban ang mga artista

I’m sure isa sa mga araw na ‘to, magri-react na si Aga Muhlach at Cesar Montano sa kaliwa’t kanang issue tungkol sa pagpasok nila sa sinasabing ipapalit na programa sa MTB.

Tungkol naman kasi sa talent fee ngayon ang sinasabing rason kaya hindi tinanggap ng dalawa ang offer ng ABS-CBN. "In the first place paano kami magri-reconcile sa talent fee or magdi-demand samantalang wala naman silang offer," sabi ng isang taong malapit kay Aga.

Ay naku ano ba ang bago? Alam naman natin kung sino ang salarin sa issue na ‘to. I’m really sure na kahit si Aga, naiinis na sa ganitong issue. Saka in the first place, parang ang cheap naman yata ng P 1 million talent fee sa kanila ni Cesar? Take note daily show ‘yun. Besides hindi sanay gumising ng maaga si Aga. Hindi niya tatanggapin ‘yun.

Hangga’t maari nga, ayaw niya ng morning appoinment dahil matakaw siya sa tulog. Pero pag kailangan naman, nagigising. ‘Yun pa kayang daily, I doubt. Saka libang na libang daw ang actor sa kambal at as much as possible, gusto niyang nasa bahay lang.

In any case, sana tigilan na sina Aga at Cesar dahil wala naman silang pino-promote na pelikula. Hindi nila kailangan ng free publicity dahil wala naman silang mabi-benefit.
*****
Hindi pa feel ni Jenine Desiderio na makipag-date kahit almost a year na silang separated ni Juan Miguel Salvador. "Parang hindi ko pa kaya," she said.

Traumatic kasi ang experience niya sa naging relasyon niya sa husband niyang band member.

"Sana nga ma-overcome ko ‘yung trauma," she said.

Actually, may karapatang ma-trauma si Jenine dahil sobra ang ginawang pagsisinungaling ni Juan Miguel sa kanya - sinasabi sa kanya ng ama ng anak niya na may-girlfriend siya na preggy at two months to live na lang kaya kailangan na nilang mag-separate. "Umiyak pa siya no’n sa mga friends namin. So ako naman, wala na lang sinabi. Nando’n na ‘yun eh," she recalled.

Naging open ang relationship ni Juan Miguel at ng girl na ka-member niya sa band, named Sheryl Sugui. "Nag-uusap pa rin kami kahit live in sila, pero biglang hindi na lang siya bumalik ng bahay," she recalled in an interview sa presscon ng Bangkero, her latest movie under FLT Films.

Kung gugustuhin niya actually, puwede siyang mag-demanda, pero parang ayaw na lang niya para tahimik ang buhay niya. Tutal naman daw, may anak siya, si Janella na four years old na ngayon. "Karma-karma lang naman ‘yan, hayaan na lang natin sila," she said.

Last Christmas, hindi rin nagbigay kahit isang centavo si Juan sa anak nila. "Siguro wala siyang pera, kaya ganoon."

After nilang maghiwalay, nagkita na sila.

In any case, showing na sa Metro Manila theaters ang Bangkero.
*****
Tuloy na tuloy na sa Monday ang rally ng mga artista sa Senado para i-protesta ang 10% additional VAT para sa mga taga-entertainment industry. Last Wednesday pa sana sila magma-martsa, pero may ilang government official ang nag-attempt na i-reconcile ang kaso.

Sa mga feel mag-join, go na kayo sa Film Center sa Monday, 1:00 p.m. Diretso sila sa Senate at dapat naka-black ang get-up.

Si Senator Ralph Recto na inaasahang tutulong pa naman sa industriya ang siya pa ngayong kumakalaban sa mga artista. Imagine sinabi pa niyang hindi siya puwedeng diktahan ni Ate Vi sa kanyang mga decision.

At ang the height, sinabi pa niyang walang utak ang mga artista at hindi nila naiintindihan ang mga sinasabi nila.

Can afford pa si Senator Recto na magsabi nito dahil hindi pa siya reelectionist, hanggang 2008 pa siya sa Senado. Pero kung kakandidato siya sa 2004, I doubt it kung kakalabanin niya ang movie industry.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - salveasis@yahoo.com/psnbabytalk@hotmail.com

Show comments