Nag-away ang Hunks na sina Diether at Carlos
January 18, 2003 | 12:00am
Tapos na ang seryeng Recuerdo de Amor, pinalitan na yan ng naumpisahan naming Altagracia, isang Mexican telenovelang isinalin sa Tagalog.
Gusto lang naming papurihan ang magaling na pagganap ni Diether Ocampo sa huling episode ng Recuerdo de Amor, yung eksena nila ng mahusay ring si Carmina Villaroel, kung saan sa unang pagkakataon para sa aming opinyon ay nakaarte nang wasto ang isa sa mga miyembro ng The Hunks.
Sa tagal na ng panahong natututukan namin ang serye dahil oras yun ng aming pagmamakinilya ng aming mga kolum, sa unang pagkakataon ay inagaw ni Diet ang aming atensyon. Pansamantala kaming tumigil sa pagtipa at siya lang ang tinutukan namin.
Sa maraming pagkakataon kasi kapag nasisilip namin ang pag-arte ni Diet sa nasabing serye ay nabababawan kami sa kanyang pagganap, parang sinigang yun na kulang sa alat at sa asim, hindi maganda sa panlasa ang timpla.
Nakalalamang lang siya ng ilang paligo sa pagganap ni Carlos Agassi na alam naming nagsisikap namang mag-improve ang acting, pero marami pa ring kulang.
Pero ibang-iba si Diether sa pinakahuling episode ng Recuerdo de Amor, ramdam mong mula sa puso ang kanyang pagganap, natural na natural yun at hindi siya nakahihiyang panoorin.
Habang umiiyak si Diet dahil baka mamatay ang pinakamamahal niyang babae ay naghahalo ang kanyang luha, pawis at sipon, pero wala siyang pakialam, binigyang-buhay pa rin ng binata ang kanyang karakter.
Sa tagal na ng pag-arte ni Diether ay ngayon lang namin siya binibigyang-papuri, mas madalas kaysa hindi ay pinapansin namin ang kanyang kahinaan, pero sa partikular na eksenang yun ay pinapupurihan namin ang tsinitong aktor.
Sanay mabantayan ng mga direktor na humahawak sa binata ang kanyang pag-arte, dahil kung nagawa yun ni Diether sa Recuerdo de Amor, ay kaya rin niyang gawin uli yun sa iba pa niyang proyekto.
Gaano katotoo ang balitang nakarating sa amin na may hidwaan sa pagitan nina Diether Ocampo at Carlos Agassi ng The Hunks?
Marami ang nakakapansin na palagi raw binabara ni Diet ang pinakabunsong miyembro ng grupo, lagi raw pinag-iinitan ng tsinitong aktor ang may lahing Arabyanong si Amir?
Noon pa namin nababalitaan ang kwentong ito, na kahit magkasama sila sa The Hunks ay nagkakainitan ang dalawang aktor, kaya nga lang ay wala namang kumukumpirma sa amin tungkol sa isyu.
Ang alam namin ay parehong alaga ni Deo Endrinal ang dalawang batang aktor. Hindi naman kaya ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay selosang propesyonal?
Pero, pareho naman silang naaalagaan nang husto sa Dos, kung ano ang meron si Diet ay meron din si Carlos, kaya wala kaming makitang dahilan para magkaroon ng tensyon sa pagitan nila.
Sa dalawang aktor ay mas malapit sa amin si Carlos, kamahal-mahal naman kasi ang batang aktor, dahil marespeto siya at marunong magpahalaga.
Natural na rin kay Carlos ang kahit saan ka makita ay tiyak na magbibigay-respeto, basta may oras ay nakaaalala siya sa pamamagitan ng text, at ang mga ganung katangian ay hindi madaling matagpuan sa maraming artista.
Hindi namin alam kung ganito rin sa nararamdaman namin ang masasabi ng ibang manunulat, pero sa pakiramdam kasi namin ay naglalagay ng harang si Diether sa pagitan niya at ng kanyang kapwa.
Hindi natin literal na nakikita ang harang na yun, pero nararamdaman, kaya maraming manunulat ang ilag at hindi nagkakagusto sa kanya.
Sanay bigyan ni Diether ng pagkakataon ang maraming tao na makilala siya, hindi niya naman kailangang buksan ng buong-buo ang libro ng kanyang buhay sa lahat, ang mahalaga ay ang matibag lang ang pader na humaharang sa kanya at sa ibang tao.
Marami ang nagsasabing ayaw raw kasi ni Diether na mabungkal pa ang inililihim niyang nakaraan kaya ganun siya kailap, bagay na tinututulan namin, dahil paano siya magiging totoo sa ibang tao kung sa sarili niya mismoy hindi siya totoo?
Siya naman ang maghuhudyat kung hanggang saan lang ang bahaging puwede niyang ipagkatiwala sa publiko bilang artista, may karapatan naman siyang itago ang iba, kung totoo ngang meron siyang itinatagong hindi-kagandahang bahagi ng kanyang nakaraan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am