Grabe pala ang bonding ngayon nina
Rica Peralejo,
Nikki Valdez at kung saan nagmi-meet sila lunchtime tuwing Miyerkules kasama ang ilang non-showbiz friends like
Carol Chuateco,
Vangie Kua,
Nenet Roxas and
Elena dela Vega. Sa Cork Wine Cellar & Grill sa 9501.
Kapag nagkikita-kita ang tatlo, marami silang napag-uusapan. Si
Assunta, yung tungkol sa buhay-may asawa niya. Si Rica naman, madalas magpayo sa pakikipagrelasyon. Si Nikki, kung paano madaling maka-move after a failed relationship.
Nakakatuwang makita ang tatlo na walang humpay sa kwentuhan sa lahat ng aspeto ng buhay.
Si Assunta, obviously ay masaya sa kanyang buhay ngayon. Walang ini-impose sa kanya ang asawang si
Cong. Jules Ledesma. Ang gusto lang daw nito, she mingles with good people like Rica and Assunta.
May naikwento nga sa akin si Assunta na noong nag-spend sila ng holidays sa US, wala raw siyang ginawa kundi ang isama ng mommy ni Jules para mag-shopping.
"Si Mommy, all her life, wala na siyang ginawa kundi mag-shopping. Si Jules naman, bibigyan ako ng pera na pang-shopping pero madalas, hindi ko nagagalaw dahil si Mommy ang bili nang bili for me," kuwento ni Sam (palayaw ni Assunta).
Speaking of Nikki, larawan ito ng kaligayahan nang huli naming makasama sa Music 21 KTV. Kasama na kasi niya ngayon ang kanyang
Mommy Norma na 4 months na nagbakasyon sa States. Matatandaan na nagkaroon ng mild stroke si Mommy Norma last year nang ma-carnap ang kanilang sasakyan at pinayuhan sya ng doctor ng matagal na pahinga. Mommy Norms stayed sa kanyang mommy at mga kapatid na naka-base na sa California.
Ngayon, Mommy Norma has fully recovered. Medyo nag-gain ito ng weight pero bagay sa kanya.
Actually, it was Nikki na sumundo sa kanyang mom noong December 23. Dumating sila last December 31.
Kaibigan na namin si
John Lapus pero everytime na napapanood namin ito, we cant help but admire the TV host-comedian. Sa tuwina ay lagi kaming natatawa kapag napapanood namin si John sa kanyang mga shows like
Arriba Arriba,
The Buzz at
Bituin. Sa
Bituin, kakaibang John Lapus ang napanood namin. Siya si Queenie, ang guardian-mentor ni Melody na ginagampanan ni
Carol Banawa.
Ang husay ni John sa adlib. May isang eksena sa
Bituin na obviously ay idinagdag lang ni John. May isang eksena nga na halatang kahit ang kanyang mga kaeksena ay natatawa sa kanya.
Ang sabi nga, si John daw ang lucky charm ng
Bituin kaya mataas ang rating nito. Naniniwala naman kami na suwerte si John sa mga programa niya.
Ang ikinatutuwa namin kay Sweet (as he is called by his friends), hindi ito nagbabago. He has remained the same John Lapus na nakilala namin 8 years ago.
Last, January 14, dear friend
Dennis Marco "Roxy" Liquigan is turning a year older. Isa si Roxy sa maituturing naming tunay na kaibigan sa showbiz. I have seen him grow mula sa pagiging production assistant ng
ATBP na naging segment producer at ngayon ay executive producer na ng
The Buzz at Adprom Manager pa ng
Star Cinema. Masaya kami sa tinamong tagumpay ni Roxy.
Matutupad na ang pangarap ng mga fans ni
Marvin Agustin na muling makita ang aktor sa isang soap opera. Ang latest na nabalitaan namin ay magbibida si Marvin sa isang new soap na magsisimula sa February. Pinag-iisipan pa ng
ABS-CBN management kung sino ang makakapareha ng aktor. Ang balita namin, sila nina
Jericho Rosales,
Kaye Abad at
Kristine Hermosa ang magbibida sa bagong soap opera.
Marami ang naka-miss kay Marvin sa panggabing soap lalo pat doon naman siya nagsimula with shows like
Sa Sandaling Kailangan Mo Ako at
Esperanza. Although sa ngayon ay napapanood pa rin si Marvin sa
Tabing Ilog.
Napapanood pa rin si Marvin twice a week sa
Magandang Tanghali Bayan at
Whattamen tuwing Miyerkules.
Sa movies, tapos na ni Marvin ang
Tanging Ina with
Aiai delas Alas. Tinatapos din niya ngayon ang
Moral with
Eula Valdez, Jean Garcia at
Dina Bonnevie.
Ipinaabot ni Roxy ang pasasalamat kina
Mayor Vilma Santos, Claudine Barretto, Dennis Padilla, Boy Abunda, Kris Aquino, Carlos Agassi, Dr. Vicky Belo, Harvard USA, Ms. Rose Flaminiano, Secosana Bag, Hawk Bag, Ricky Reyes, Joy Lim (of Charms & Crystals),
Major Jude Estrada, Cristy Fermin, Mercy T. Ong (of MTO Spa),
Anna Dizon, Mystica, Elena dela Vega, Plains & Prints, Dr. Vivian Sarabia, Viva Films, Regal Entertainment, Violett Films and
Star Cinema dahil pinasaya nila ang Xmas party nila na ginanap sa Music 21 KTV.