Danny Ramos, devastated sa pagpapakasal ni Oropesa

Natatandaan pa ba n’yo nang sulatin ko sina Angelika dela Cruz at Victor Neri, ang kanilang closeness at ang mga nangungusap nilang mga mata? Well, hindi ako nagkamali sa aking konklusyon na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa.

Ganito rin humigit kumulang ang pakiwari ko kina Miko Sotto at Sunshine Dizon na nagiging isang hot item ngayon sa showbiz circle.

Marami ang naniniwala na mayroong namamagitan kina Miko at Sunshine na mas mahigit pa sa pagkakaibigan.

Madalas makitang magkasama ngayon ang dalawa. Nung nagdaos ng Christmas party ang GMA para sa kanilang mga talents ay extra sweet ang dalawa. Kasama rin sina Sunshine at Miko kamakailan sa Baguio City na kung saan ay nagbakasyon ang mag-inang Dina Bonnevie at Danica Sotto.

Dating perennial twosome sina Miko at Angelika samantalang si Sunshine at Polo Ravales naman ang dating magka-on.

"I’m happy for them, kung totoo nga ang balita," ang comment ni Angelika dela Cruz tungkol sa dalawa.
* * *
Di nahihiya si Danny Ramos na aminin na devastated siya sa pag-aasawa ni Elizabeth Oropesa.

"Male entertainer ako sa Japan nang makarinig ako ng balita. Parang may kutob ako kaya gusto kong bumalik dito pero, sabi niya huwag muna akong bumalik dahil mahirap pa ang buhay dito. Sabi niya kapag umuwi ako eh maghiwalay na lamang kami.

"Masakit sa akin ang nangyari dahil tumagal din ng tatlong taon ang aming relasyon. Wala akong inkling sa pagpapakasal niya dahil sinabi niya sa akin na ako na raw ang huling lalaki sa buhay niya.

"Tinawagan niya ako isang araw bago siya ikasal. Sabi niya mahal pa niya ako pero, kinakailangan na niyang mag-settle down. Inalok ko rin naman siya ng kasal nun pero, hindi siya pumayag. At the time may problema kami sa pera.

"Kahit masakit ang nangyari, ang konsolasyon ko na lamang ay magkaibigan pa rin kami. Hindi ko kilala ang napangasawa niya pero nang kunin ko ang mga gamit ko sa bahay niya ay narun ito," ang malungkot na kwento ni Danny sa presscon ng Bangkero ng Metro Films na nagtatampok din kina Michael Rivero, Jenine Desiderio, Julio Diaz, Daniel Fernando, Mon Confiado, Julia Lopez at Pam Sarmiento.
* * *
Ang Mano Po pala ang top grossing film sa Metro Manila Film Festival Philippines 2002 kasama na ang kinita sa Cebu, Davao at Sn. Fernando, Pampanga. Nagtala ito ng kitang P67.2M. Sumunod ang Lastikman, P59.1M; Agimat, P45.6M; Spirit Warriors The Shortcut, P39.9M; Dekada ’70, P37.3M; Home Alone D Riber, P28.1M; Alamat ng Lawin, P20.4; Hula Mo, Huli Ko, P10.3M at Lapu Lapu, P5.6 M. May kabuuang kita ang MMFFP na P314.7M.
* * *
E-mail me at: veronicasamio @yahoo.com

Show comments