"Masaya na ako kahit paano ay kinilala ako ng tunay kong ama. Naging very supportive siya sa buong buhay ko. Hindi niya ako pinabayaan," paglalahad ni Ara Mina.
Masaya pa nitong ikinuwento na hindi si Congressman Chuck Mathay ang nag-abandon sa kanyang ina. "Hindi po niya iniwan ang mama ko. Wala pong iniwan. Ganito po yon. At the time na pinapipili ng Papa ko si Mama kung sino ang sasamahan niya, mas pinili ng Mama ko si Papa Romy. Without knowing na buntis na si Mama, na ako nga yon. Pareho kasing mahal ni Mommy si Daddy Chuck at Papa Romy. Nahihirapan siyang pumili kaya si Mommy ko ang nagdesisyon na lumayo," kuwento pa ni Ara.
"Kahit lumayo naman si Mommy, hindi pa rin naman kami pinababayaan ng Daddy ko (si Chuck). Sinusuportahan naman niya kami at siya pa ang nagpahanap sa amin.
Panganay sa lahat ng apo ng mga Mathay si Ara . Close siya sa buong generation ng Mathay clan.
"Actually, nung reunion nga namin last New Year, masayang-masaya kaming lahat. Walang samaan ng loob, walang mga tampuhan at walang mga intrigahan. Mas nadoble pa nga ang kasiyahan ko dahil may dahilan para magsaya kami. Kabilang rito ang pagkaka-panalo ko sa last MMFFP," pagtatapos niya. Boni A. Casiano