Nagsimula yun sa pagpili ng makakasama sa Magic 7. Kasi nga, nagpabagu-bago ng desisyon ang MMFF executive committee. Nang ilabas nila ang napili para sa Magic 7, nagprotesta si Mother Lily ng Regal Films. Bakit daw hindi nakasama ang Spirit Warriors niya samantalang intended talaga ito sa festival? Kaya nag-usap-usap sina Rey Malonzo at napag-ayusang isama na lang lahat ng pelikulang gustong sumali. Parang natakot si Malonzo kay Mother kaya nagdesisyon sila ng ganoon.
Pero maraming producer ng naunang Magic 7 ang nagprotesta sa huling desisyon kaya ibinalik nila sa original Magic 7. Ipalalabas na lang daw pagdating ng Enero 1, second week ng festival ang dalawang natirang pelikula.
Kung tutuusin, kasali naman talaga ang Lastikman at Spirit Warriors sa festival dahil pinagkalooban din sila ng benepisyo na natanggap ng pitong kasali sa festival. Kasali rin sila sa awards night. Nanalo pa nga ang Spirit Warriors ng Regal bilang second best picture na pinoprotesta ng ibang producer dahil bakit kung maganda raw ito, bakit hindi isinama sa Magic 7.
Hanggang sa awards night ay naging malaking issue nang hakutin ng Mano Po ang karamihan sa major awards.
Marami pang iba. Kaya kahit kumita man ang mga pelikula, parang mahirap pa ring isipin na totoo ngang nagtagumpay tayo kung may mga ganyang usapin. Ganoon pa man, napag-usapan na yan at pinagdebatehan kaya tapusin na lang natin.
Ang isipin natin ngayon, magpatuloy na bumalik ang interes ng mamamayan sa panonood ng pelikula. Muli silang nagka-interes na panoorin ang siyam na pelikula na totoo namang ginastusan at pinagpaguran ng mga producer natin.
Isa itong magandang simula para sa industriya natin na matagal-tagal ding nahirapang makabangon.
Ipagdasal na lang natin ngayon na magpatuloy ang pagtangkilik ng manonood sa pelikulang Pilipino.
Siyempre subok na natin ang pagiging magaling na host ng dalawa at ngayon nga ay susubukan natin kung kaya nga nilang makipagsabayan sa mga artista natin. Kung ako ang tatanungin, malaki ang potential ni Miriam na maging matagumpay na artista. Kung tutuusin, matagal ko nang ini-encourage si Miriam na mag-try ng acting. Kung sa Miss Universe nga nakagawa siya ng sariling eksena kaya nga di ba napansin siya ng mga hurado at muntik pa nga siyang maging Miss Universe?
Sa inyo Miriam at Paolo, goodluck ha! Sana nga, magkaroon kayo ng panibagong career. Pero sana, huwag maapektuhan ang pagiging host nyo ng Extra! Extra dahil bagay sa inyo ang programang yon.
Sanay na ako. Sa rami ng natulungan ko, halos hindi ko nga mabilang, hindi ako kailanman nag-isip na maaalala pa nila ako.
May ilan namang hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ako, pero gusto kong ulitin na sa mga hindi, okey lang.
Lagi ko namang sinasabi sa lahat ng tinulungan ko na nang gawin ko yun, mula sa puso ko at hindi ako naghihintay ng anumang kapalit.
Kaya Piolo, huwag kang mag-alala, hindi ako galit o masama ang loob. Basta, pagbutihin mo ang trabaho mo, masaya na ako non.
Maganda naman ang programa at talagang pinaghahandaan nila ang bawat episode.
Sa totoo lang, isa ako sa maraming natuwa sa pagbabalik ni Inday sa TV. Salamat kay Kitchie Benedicto na naglakas loob na i-produce ng show ng original queen of talk show.
Ang isa pang magandang balita, baka bukas makalawa, makasama ko si Inday sa radyo dahil babalik na rin siya sa ere, sa DZBB. Sanay sa lalong madaling panahon na para magkasama na uli kami sa iisang istasyon. Tingnan mo nga naman, pagkahaba-haba man ng prosisyon sa GMA din ang tuloy niya.