^

PSN Showbiz

Singer mukhang tsimay pag walang make-up

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Natawa kami sa syete ng isang kaibigang announcer at writer tungkol sa isang kilalang singer.

Ayon sa kuwento, minsan ay may dumalaw ditong ilang tagahanga na nagsadya pa sa kanilang bahay. "Nasaan po si .... (pangalan ng singer). Kayo po ba ang nanay niya?" tanong ng mga fans.

Nainsulto ang singer at pumasok ng kanyang silid para mag-make-up at mag-ayos ng buhok. Napahiya ito sa sarili dahil napagkamalan siyang nanay ng iniidolong singer.

Nang lumabas ito ay hindi naman siya nagpakilalang singer. Inakala na lang ng mga bisita na magkamukha silang dalawa ng kanyang ina.

Mula noon ay ipinangako sa sarili ng singer na mag-aayos na siya kahit nasa loob lang ng bahay dahil sa di-inaasahang pagdating ng mga bisitang fans. Malayo kasi ang kanyang itsura kapag walang make-up kung saan mukha na siyang may edad.
Jestoni, Balik-Aksyon
Matagal-tagal din bago nasundan ang huling pelikula ni Jestoni Alarcon na Huli sa Akto ng Regal Films. Ngayon ay nagbabalik-aksyon ang guwapong aktor via Tomagan: The True-To Life Story of Gen. Romeo Maganto.

Habang nagsusyuting si Jes ay naroon lagi si Gen. Maganto para ipaliwanag ang mga detalye ng pelikula. Kaya isang malaking hamon sa action star-turned-politician ang pagganap sa buhay ng magiting na heneral.

Isa ring mabuting ama ng tahanan si Gen. Maganto kung saan katulad ni Jes ay tatlo rin ang anak nito. Si Chinchin Gutierrez ang gaganap na Mrs. Maganto.
Hindi Iniwan Si Sunshine Last Christmas
Dapat pala ay pupuntang Mexico si Miko Sotto para makapiling ang kanyang inang si Ali na naka-based doon kasama ang kanyang asawa. Pero in-love ngayon ang aktor kay Sunshine Dizon kaya hindi niya ito iniwan last Christmas. Sa halip ay ipinakilala niya ito at isinama sa dinner ng kanyang amang si Maru at ang pamilya nito.

Halata namang boto ang ama ni Miko sa aktres. Naging close ang dalawa dahil magkasama sila sa Kung Mawawala Ka. Kahit sa mga lakaran ay sila pa rin ang magkasama. Hindi naman masakit para sa aktor kung may bago na siyang kapalit sa puso ni Angelika dela Cruz dahil siya man ay may bago na ring mahal.
Pam, Iginarahe Ng Pulitiko
May malaking kaibhan si Pam Sarmiento sa ibang sexy stars. She’s a linguist at marami siyang alam na wika gaya ng German, French, Italian, Swiss, Bicol at Pilipino language. Ipinanganak siya sa Germany at doon lumaki pero hindi nakalimot sa pagsasalita ng Tagalog.

Bata pa ay pangarap na niyang mag-artista kaya nang magbalik-bayan ay ipinasyang dumito na lang at mag-concentrate sa pag-aartista. Dinala siya ng kanyang manager sa Viva Films at Imus Productions. Isinama agad sa dalawang movies titled Stupid Love at Kilabot at Kembot. Lumabas din ito sa Daddy Di Do Du bilang nars ni Vic Sotto.

Maganda ang papel ni Pam sa kanyang bagong pelikula, Bangkero bilang ex-dancer na iginarahe ng pulitikong si Daniel Fernando pero ang tunay niyang mahal ay si Mon Confiado.

Inamin nito na kaya niyang makipagsabayan sa mga bold o sexy stars. Pangarap niyang makatambal sa pelikula si Richard Gomez balang araw pero yon ay kung makakawala siya sa sexy image. Patuloy pa rin ang kanyang pag-aaral sa kabila ng commitment sa showbiz. First year na ang bold star sa college at kumukuha ng Business Management sa St. Benilde, La Salle.

Nag-iisang anak si Pam pero hindi naman siya spoiled. Payag siya sa pre-marital sex at liberated din. Ipinagmamalaki rin ni Pam na walang niretoke sa kanyang mukha at katawan.
Danny, Mahal Pa Rin Si Beth
Higit na guwapo ngayon si Danny Ramos na kasama rin sa pelikulang Bangkero ng Metro Films. Inamin nito na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Elizabeth Oropesa na kamakailan ay nagpakasal sa bata rin niyang boyfriend. Pero mayroon na rin siyang ibang mahal at planong magpakasal at the age of 40.

Kapareha niya si Julia Lopez sa Bangkero kung saan ay may maiinit silang eksena. Pero kahit nakakaromansa nito ang mga sexy stars ay nanatili pa rin ang pagiging gentleman niya at di umaabot sa tikiman. "Ang mahalaga ay trabaho lang ito at ginagampanan ko lang ang papel na nakatoka sa akin. Masarap katrabaho si Julia at talagang napaka-sexy niya," anang aktor.
Melvyn, Handa Na Sa Campus Tour
Ngayong katapusan ng Enero ay ratsada si Melvyn Dizon sa campus tour na gagawin sa San Pedro Laguna na itataguyod ng Soroptimist International Philippines (Dasma-Salcedo Club).

Kaya naman panay ang paghahanda nito dahil makakasama niya si Aiza Seguerra na ang magiging beneficiary ay ang feeding program ng Daniel Fajardo Elementary School.

Maasahan sa mga charitable projects ang guwapong singer kaya noong nakaraang Kapaskuhan ay naghandog ito ng mga awitin sa mga cancer patients ng Philippine General Hospital. Very visible ngayon sa mga showbiz gathering si Melvyn lalo na ngayong papasok na rin ito sa recording scene this year. Nagbabalak itong magkaroon ng solo concert sa isang malaking venue at ka-back-to-back si Marissa Sanchez. Pero sa rami ng commitment ng comedianne ay baka matuloy ito sa Abril pa.

BANGKERO

CENTER

KANYANG

NIYA

PERO

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with