Bagong ABS-CBN telenovela

Iniimbitahan kayo ng ABS-CBN na saksihan ang misteryo na bumabalot kay Altagracia, ang pinakabagong telenovela nitong magsisimula ngayong Lunes, Enero 13 sa ganap na 2 pm. Featuring the 1984 Miss World Astrid Carolina Herrera.

Si Altagracia del Torro (Astrid Carolina Herrera) ay ang tagapagmana ng malaking pagawaan ng alak ng pamilya Del Toro sa maliit na bayan ng Carora, Venezuela. Naakusahan siyang pumaslang sa pari ng kanilang bayan. Bagamat hindi na muling nahanap ang katawan ng nasabing ‘‘biktima,’’ napako pa rin kay Altagracia ang pagkamatay ng pari, at nakulong ito.

Dalawampung taon ang lumipas, nakalaya na si Altagracia mula sa kulungan, bumalik siya sa Carora.

Bagong dating naman sa Carora si Gloria Leal (Chantal Baudaux), isang film student na may balak gumawa ng isang documentary tungkol sa ‘‘La Mujer de Judas’’ na umiskandalo sa buong bansa noon. Naging interesado rin kay Gloria ang guwapong si Salomon Vaisman (Juan Carlos Garcia), ang anak ng pamilyang bumili ng pagawaan ng alak ng mga Del Toro pagkatapos ng iskandalo ni Altagracia.

Mahanap kaya ni Gloria ang puno’t dulo ng misteryong bumabalot kay Altagracia?

Show comments