Pakakasal na rin si Ruffa G.

Wala na ngang makakapigil sa pag-aasawa ni Ruffa Gutierrez sa taong ito. Bago mag-Christmas, dumating sa bansa ang Turkish boyfriend niyang si Yilmaz Bektas at muli nitong hiningi ang mga kamay ni Ruffa sa kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Walang naging problema kay Eddie pero bantulot pa rin si Annabelle sa pagbibigay ng kanyang basbas.

Sa pamilya ni Ruffa nag-spend ng Christmas eve si Yilmaz pero sabay na sila ni Ruffa na umalis nung Christmas Day (December 25) patungong LA kung saan sila nag-spend ng Christmas Holidays. Nagtungo rin sila ng Las Vegas. Habang nasa LA ang magkasintahan, napagkasunduan nila na magpakasal na this year at ito’y kanilang ipinarating kina Eddie at Annabelle.

Since hindi na mapipigilan ni Annabelle ang plano nina Ruffa at Yilmaz, sumang-ayon na rin siya.

Next month ay babalik ng Maynila si Yilmaz para ihayag ang kanilang pag-iisang dibdib ni Ruffa. Una silang magpapakasal sa Muslim rites sa Istanbul (hometown ni Yilmaz) sa darating na Marso at malamang sa buwan naman ng Hunyo dito sa Pilipinas sa Catholic rites naman.

Kung si Yilmaz ang masusunod, gusto nito na i-give-up ni Ruffa ang kanyang showbiz career dahil gusto niya na parati na silang magkasama. Ang siste, may pinirmahang kontrata si Ruffa sa GMA-7 para sa teleseryeng Habang Kapiling Ka.
* * *
Kung pakakasal na this year sina Ruffa at Yilmaz, ganoon din ang plano ng magkasintahang Donita Rose at Eric Villarama. Wala nga lamang ibinigay na exact date sina Donita at Eric sa araw ng kanilang kasal at hindi rin malinaw kung saan sila magpapakasal — sa Amerika, sa Pilipinas o sa Singapore kung saan sila ngayon naka-base.

Mag-best friends sina Ruffa at Donita. Siguradong nagkonsultahan na sila.
* * *
Masayang ibinalita sa amin ng dating TV host at writer na si Anselle Beluso ang pagsilang ng kanilang first born ng wife niyang si Joyce. Baby boy na pinangalanan nilang GK. Isinilang si GK nung nakaraang January 8 ng 7:30 a.m. via normal delivery sa Lourdes Hospital. Ang bata ay tumitimbang ng 7.1 lbs. At may habang 51 cms.

Nakuha ng bata ang light complexion ni Anselle habang ang mga mata at buhok ay nakuha nito sa kanyang ina.

Bukod kay GK, si Anselle ay may adopted son, si Bombom, now eleven years old na super excited din sa paglalabas ng kanyang baby brother.
* * *
Banner year na maituturing ni Ogie Alcasid ang 2002 dahil maraming magagandang pangyayari ang naganap sa kanyang personal at professional life.

Naging gold record ang first album niya sa Viva Records na pinamagatang "Better Man". Nakapag-compose din siya ng ilang songs na ginagawang theme songs ng iba’t ibang pelikula na pawang pumatok sa takilya tulad ng Hanggang Ngayon, (Regine/Richard) "Sa Puso Ko", (Bong/Assunta) "Lumilipad" (Super B) at Kailangan Kita (Aga/ Claudine). Si Ogie rin ang nag-compose ng theme song ng Kung Mawawala Ka. Si Ogie rin ang nag-line produce ng debut album ni Piolo Pascual for Star Records. Nakagawa din si Ogie ng dalawang pelikula nung isang taon, ang Best Man nila ni Michael V. at ang A.B. Normal College (Todo Na Yan, Kulang Pa Yun) na nakatakdang ipalabas sa Pebrero. Last year din nangyari ang first major concert ni Ogie na ginanap sa Araneta Coliseum, ang OA sa Hits at siyempre pa, nung September 2, isinilang ang second baby nila ng wife niyang si Michelle Van Eimeren, si Sarah Kate.

"Sobra-sobra ang blessing na dumating sa buhay ko nung isang taon. Sana tuluy-tuloy pa rin ito this year," bulalas ni Ogie na magkakaroon ng series of concerts sa Onstage in Greenbelt starting February 7.
* * *
E-mail me at: a_amoyo@pimsi.net

Show comments