Pero ayon sa isang source ng Baby Talk, nakikipag-negotiate na ang ABS-CBN kay Edu since wala ngang regular show ang actor sa kanila. "Matagal nang ino-offer kay Edu yun, wala lang silang chance na mag-usap dahil may ibang show pa siya noon," the source said.
"Perfect si Edu for the show - may humor siya," the source added.
Wait and see na lang tayo kung anong development sa MTB.Today daw magi-start ang changes sa programa kaya watch na lang tayo para once and for all matapos na lahat ng issue sa MTB.
No hurt feeling na sa part ni Jenine. Pero hanggang ngayon, wala pa siyang boyfriend after Juan Miguel. "May mga naga-attempt, pero parang wala pa, trabaho muna," she said sa isang interview sa presscon ng Bangkero, her latest movie under FLT Films.
Anyway, medyo na-shock si Jenine nang makita niya ang poster ng Bangkero. "Hindi ko nga ini-expect na ganoon kalaki ang picture ko sa poster, bigla tuloy akong kinabahan," she said. Wala raw kasi siyang idea sa nasabing poster, dahil siya ang lumalabas na bida compared sa iba niyang mga kasama sa movie.
All the way si Jenine sa movie na to - hindi siya nag-plaster sa bedscene nila ni Michael Rivero.
After Bangkero, may follow-up movie na siya sa FLT Films, Primera Klase kung saan siya nakakontrata.
Wala ring regret si Jenine sa decision niyang magpa-sexy sa movie kahit nag-start siya as a singer at naging part ng Miss Saigon London last 1990 - member siya ng original batch with Lea Salonga, Monique Wilson, Cocoy Laurel among others. At hanggang ngayon ang pay check niya sa Miss Saigon ang kino-consider pa rin niyang biggest kita niya.
Anyway, si Bettina si Jenine sa pelikula na mukhang pera, pero sa puso niya mabuti pa rin siyang tao. Si Raffy (Daniel Fernando) ang boyfriend niya, pero na-attrack siya kay Glen (Michael Rivero) at dumating sa punto na na-in love at nagka-affair sila. Yun pala, hindi na rin siya (Bettina) mahal ni Raffy.
"Pero separated na kami a year ago pa," Julia reveals na panay ang emphasize na hindi siya puwedeng i-compare sa ibang bold star dahil genuine ang boobs niya as in walang retoke.
Naging practical si Julia sa kanilang relasyon - ginamit niya ang utak niya. In three years time, nagkaroon siya ng condominium, cars and money na joint account nila ng lawyer. Shes only 18 years noon. "Actually, mahal ko rin siya non, pero hindi pala puwede yung set-up namin kaya hindi rin nagtagal," she added.