Ito ay dahil sa isang very reliable source sa L.A. ang nagbalita sa amin na magkasunod na dumating doon sina Joey at Kris kung saan sila pareho nagpalipas ng Christmas holidays. Ayon sa aming source, hindi sa Florida nagtuloy si Kris kundi sa bahay umano ni Joey sa Rowland Heights at magkasama silang dalawa. Nauna umanong dumating doon si Joey at sumunod lang si Kris.
Hindi na nga marahil mapipigilan pa ang pag-iibigan nina Joey at Kris at hinihintay na lamang umano ni Joey ang annulment ng kasal nila ni Alma Moreno para tuluyan na niyang mapakasalan ang bunso ni dating Pangulong Cory Aquino.
Bukod kina Jessa at Dingdong, nasa pangangalaga rin ni Manny sina Jean Garcia, Zoren Legaspi, Ynez Veneracion, Ana Larrucea, Jay Manalo, Paolo Rivero, Alessandra de Rossi at iba pa.
Magiging kapana-panabik ang Startalk sa darating na Sabado dahil ipapakilala mismo ni Osang ang tunay niyang ina. Anim na buwan pa lamang daw noon si Osang nang siyay ipaampon sa kanyang mga kinikilalang magulang ngayon.
Ngayong kilala na ni Osang ang kanyang biological mother, hindi naman siguro magiging kalabisan kung pati German father niya ay hanapin din niya para tuluyan nang mabuo ang jigsaw puzzle na bumabalot sa kanyang pagkatao.
Nitong nakalipas na Holiday Season, kapiling ni Robin ang kanyang pamilya sa Australia. Sa kanyang pagbabalik ay sisimulan na niya ang taping ng kanyang kauna-unahang teleserye na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos sa bakuran ng ABS-CBN.
Winu-work-out din ng Maxi Media na maging special guests ni Jolina sa kanyang concert sina Gary Valenciano, Regine Velasquez at Ogie Alcasid na pare-pareho nang may pruweba sa pagpuno ng Araneta Coliseum.
Kapag napuno ni Jolina ang Big Dome, isa itong indikasyon na puwede na ring ihanay ang young star sa liga ng mga concert divas.
Speaking of Jolina, may nakatakda itong gagawing pelikula sa bakuran ng Viva Films at may gagawin din siyang movie with action king Fernando Poe, Jr.