Alessandra di bagay magpa-sexy

Hindi kaya dumating ang panahon na sumabak na rin sa sexy film si Alessandra de Ross?

Nasabi naman ito dahil nang mapanood namin siya sa Kung Mawawala Ka noong Lunes ay super sexy ang kanyang kasuotan at halos nakaluwa na rin ang kanyang boobs.

Sa edad niyang yon ay nagtataka kami kung bakit payag na siyang magsuot ng napakaseksing outfit na napakababa ng neckline.

Hindi lang cleavage ang kanyang ipinakita kundi ang malusog niyang dibdib.

Hindi bagay kay Alex ang ganoong mga kasuotan dahil parang nagmamadali siya sa pagdadalaga.
Vina, Gagawa Ng Movie
Masayang ibinalita ng isang reporter na malapit kay Vina Morales na magiging abala ito sa taong ito. May gagawin siyang pelikula na ididirek ni Mario O’ Hara. Excited na ang magandang aktres dahil matagal din siyang nabakante sa paggawa ng movie.

Hindi lang pelikula ang pinagkakaabalahan ngayon ni Vina kundi isang soap opera na siya ang magiging bida. Ito ang papalit sa Sa Dulo ng Walang Hanggan.

Hindi lang maganda ang pasok ng taon kay Vina dahil sa pelikula at telebisyon na tatampukan ng aktres kundi may inspirasyon din ito ngayon kung saan malamang na ito na ang lalaking pangarap niyang makasama habang buhay.
Aleck, Di Takot Na Ma-Over-Exposed
Maraming TV appearance si Aleck Bovick sa Eat Bulaga at Magandang Tanghali Bayan kung saan minsan ay siya ang opening number ng dalawang programa. Bukod dito ay semi-regular pa rin siya sa soap opera na Sana ay Ikaw na Nga.

Hindi ba siya natatakot na ma-over-exposed? "Hindi naman Tita, dahil sa telebisyon lang ito at hindi sa pelikula. Hindi naman araw-araw ang TV guesting ko," aniya.

Maswerte nga ang seksing aktres dahil madali siyang nakilala sa kalipunan ng mga bold o sexy stars dahil class ang kanyang ganda at magaling pa siyang umarte. Dahil sa gumagandang career ay mas binigyan nito ng prioridad ang kanyang trabaho. Siya ang bida ng Kerida ng Angora Films at nakalinya na ang Hiram under Tri-Vision Films sa direksyon ni Romy Suzara.

Maganda ang papel na gagampanan ni Aleck bilang kerida ng isang congressman na ginampanan ni Mark Gil. Dahil lagi siyang naiiwanan sa kanilang bahay ay magkakaroon siya ng bagong kakilala sa katauhan ni Gardo Versoza at dito mababaling ang kanyang pansin.

Ayon sa prodyuser na si Atty. Manalo ay dapat na isasali ang said movie sa nakaraang MMFFP dahil maganda ang istorya at may mensahe kaya lang hindi nakaabot sa deadline.
Maricar, Malapit Nang Maging Bida
Hindi kaya magkaroon ng problema si Maricar Fernandez sakaling ilunsad na ito sa pagiging ganap na bituin ng Angora o Tri-Vision Films? Kung bibigyan siya ng launching movie ay tiyak namin na isa itong sexy movie. Pero sinabi niya sa amin na hindi pa siya handang magpa-sexy o kahit magkaroon ng breast exposure.

"Tita Emy, namimili rin ako ng proyekto. Siguro pwedeng sexy pero yung hindi maghuhubad. Gusto kong sumikat at maipakita ang aking talino sa pag-arte. Pero ang dream ko ay sumabak sa action films. Pangarap ko ring makatambal si Bong Revilla Jr.," anang aktres.

Sa Davao nagpalipas ng Kapaskuhan ang seksing aktres, nakapiling niya roon ang kanyang pamilya. Ang Christmas wish niya ay pagbubutihan pa niyang lalo ang pag-arte para maging matagumpay na artista. "Matigas din ang aking ulo at makulit kaya iiwasan ko na ang ganitong pag-uugali para walang problema lalo na sa mga taong nagha-handle sa aking career," dagdag pa nito.

Sa pelikulang Kerida ay kaibigan siya ni Aleck na dumaramay dito kapag may problema. Kahit sa tunay na buhay ay magkaibigan din ang dalawa kung saan una silang nagsama sa Masarap na Pugad last year.

Dating ABS Talent Center artist si Maricar na ngayon ay contract star ng Angora at Tri-Vision Films.
‘Lapu Lapu’, May Tsansang Manalo Sa Ibang Award-Giving Bodies
Ilan sa mga kritiko at kaibigang miyembro ng award giving bodies ang nagsabi sa aming nalulungkot sila dahil sa hindi pagkaka-nominate sa Lapu Lapu (kahit third placer man lang) para sa Gatpuno Villegas Cultural Award sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Bagamat hindi acting vehicle ang naibigay kay Lito Lapid ay nabigyang buhay naman ng pelikula ang karakter ni Lapu Lapu.

Ayon pa sa mga ito ay may tsansa pa ring manalo sa pagka-best picture at best actor si Lito sa ibang award-giving bodies. Ang mahalaga ay nakagawa ng isang maipagmamalaking proyekto si Direk William Mayo at Gob. Lito Lapid.
Blind Item: Nabosohan Ng Alalay
Ang sikat na radio announcer na ito ay kilala sa showbiz dahil ma-PR siya at maraming kaibigan. Kahit baklita ay nagkaroon din ito ng pamilya. Pero mas type niya ang mga guwapong lalaki kaysa sa kanyang misis. Silahista sa isang salita.

Minsan ay nagbakasyon ang kanyang misis sa kanilang lalawigan para makapiling nito ang kanyang magulang. Naiwan ang baklitang announcer sa kanilang bahay. May kasama siyang guwapong lalaki na ayon sa aking source ay malamang na "papa" nito. Kaso hindi nito nai-lock ang pinto kaya nasilip ng kanyang alalay ang kanilang milagrong ginagawa sa kuwarto kung saan habang nakahiga ang lalaki ay nakasubsob naman sa nakabukas na pantalon ng kanyang "papa" ang sikat na announcer.

Nakakatakot din dahil kapag pinalayas nito ang kanyang dyulalay ay may maitsitsismis ito tungkol sa kanyang bosing.

Show comments