Rica, Bernard nagkabalikan

Kamakailan ay naimbitahan kami ni Don Cuaresma sa isang birthday dinner sa kanyang magarang tahanan sa Loyola Grand Villas. Si Don ang isa sa mga unang direktor na binigyan ng opportunity ng ABS-CBN na makapagdirek at ipinadala pa sa Rockport University para sa isang scholarship grant. From there, nakapagdirek na si Don ng iba’t ibang shows ng ABS-CBN like Maalaala Mo Kaya, Esperanza at ang full-length directorial job niya ay ang Munting Paraiso.

He also directed the pilot episode of Tanging Yaman, The Series at ang latest assignment niya ay ang Kay Tagal Kang Hinintay.

Ilan sa mga artistang nakisaya kay Direk Don sa kanyang celebration ay sina Lorna Tolentino, Marvin Agustin, Rica Peralejo, Bernard Palanca, John Lloyd, Cruz, Ricky Davao, Ronaldo Valdez, Angelika dela Cruz, Victor Neri, Wenn Deramas, Gilbert Perez, Jerry Sineneng at Lauren Dyogi. Dumating din sina Ms. Malou Santos, Enrico Santos, Roxy Liquigan, Mel Mendoza-del Rosario at Shaira Mella Salvador. Plus at ang production and creative staff ng Kay Tagal Kang Hinintay.

We wish Direk Don all the best sa kanyang career at sana ay makapagdirek na rin siya ng pelikula sa Star Cinema.
* * *
In the same occasion ay nakita namin sina Rica at Bernard. Ang nakita namin ay isang patunay na naayos na nila ang problema nila nitong mga nagdaang linggo. ‘Di ba’t napabalitang naghiwalay na ang dalawa at involved ang isang aktres na hiwalay sa asawang cager. Very sweet na sina Rica at Bernard nu’ng gabing ‘yun. Sabay silang dumating. Ayaw na nilang pag-usapan ang nangyari. Anila, ang importante, all’s well that ends well sa kanilang dalawa.

Mabuti naman at na-patch up nila ang kanilang tampuhan. Kasi the day na nabalitang split na sila, marami ang nalungkot at nanghinayang. General knowledge kasi sa showbiz kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Could it be true na na-prove ni Rica na hindi totoong may relasyon si Bernard sa nali-link dito dahil ang kuwento, ang totoong boyfriend daw ng girl ay isang actor-politician? May kuwento pa nga na ang condo unit daw na tinitirhan ngayon ng aktres ay ang actor-politician ang nagbabayad.

Well, that’s another story.
* * *
May dahilan pa rin para mag-celebrate ang grupo ng Star Cinema dahil hindi man ginawaran ng Best Picture award ang Dekada ‘70 sa nakaraang Metro Manila Film Festival Philippines 2002, ito pa rin ang sinasabing pinakamagandang pelikula sa pitong entries. Base sa review ng mga noted film critics like Nestor Torre, Lito Zulueta, Nini Valera at columnist Rina Jimenez-David, ang Dekada ‘70, ang pinakamatinong pelikula sa nagdaang festival or ‘any other year’, to quote Mr. Zulueta. Nag-iisa rin ang kanilang komento na si Vilma Santos pa rin ang pinakamahusay na aktres sa festival. At si Chito Roño bilang Best Director at ang story ni Lualhati Bautista.

Sa kontrobersyang nangyari, buti na lang at may isang Bayani Fernando na ‘sumalo’ sa ayaw paawat na si Mayor Rey Malonzo. Sa interbyu ni Boy Abunda kay MMDA Chairman Fernando sa The Buzz noong Linggo, ito na ang humingi ng paumanhin sa mga kapalpakan sa nakaraang MMFFP. Isang bagay na nagpabawas ng tensyon ng mga tao. Eh mukhang consistent si Malonzo na hindi siya kailanman hihingi ng apology sa kapalpakang nangyari dahil aniya, ang production staff ng awards night ang dapat gumawa no’n at hindi siya.

Well, sa nangyari, iisa lang ang masasabi namin. Hindi nakuha ni Malonzo ang simpatya ng tao bagkus, nagkaroon pa siya ng imahe na siya ang klase ng tao na hindi marunong magpakumbaba para sa ikakatahimik ng lahat.

Speaking of Dekada ‘70, palabas pa rin ito and on its second week at patuloy na tinatangkilik ng tao.

Show comments