^

PSN Showbiz

Angelu, ayaw ipagalaw ang boobs

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kung pumayag sana si Angelu de Leon na maging daring. Siya sana ang bida ng Sukdulan ayon sa isang source kaso hindi niya kayang maghubad.

Katwiran ng mga malalapit sa aktres ay hindi na nito kailangang magpa-sexy para lang umangat ang career dahil may pinatunayan na ito bilang isang magaling na aktres. Kailangan lang nito ang isa pang matinding proyekto gaya ng Bulaklak ng Maynila na nagbigay sa kanya ng karangalan bilang best actress sa nakaraang MMFFP.

Inamin rin nito na hindi naman siya sexy at ayaw niyang ipagalaw ang kanyang boobs dahil prone ito sa cancer. Namatay ang kanyang ama sa nakakatakot na sakit at kahit hindi prone sa cancer ang aktres ay hindi pa rin siya magpaparetoke ng boobs.

Ayon pa rin kay Angelu ay hindi siya disappointed kung naibigay kay Katya Santos ang Sukdulan. "Sexy naman siya at hindi retokado ang boobs. Talagang hindi para sa akin ang proyekto. Happy naman ako dahil mayroon pa akong soap opera sa GMA-7," anang aktres.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

"Okey na sa akin kung wala muna akong lovelife dahil masaya ako sa piling ng aking pamilya at mga barkada. Ayoko munang pumasok sa bagong relasyon dahil mahirap din ang may commitment. Hindi naman malungkot ang aking Pasko dahil sa dalawa kong anak na laging nagpapasaya sa akin at nagsisilbing inspirasyon ko. Nasa tabi ko rin palagi ang mommy ko, kapatid at mga kamag-anak."
" Malulutas Na Ang Kaso Ni Nida Blanca " – Madam Suzette
Sa taong ito ay nagbigay din ng kanyang mga prediksyon si Madam Suzette Arandela tungkol sa magiging kaganapan sa showbiz.

Narito ang ilan:

Patuloy pa rin ang kasikatan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Lalo pang makakamtan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ang tagumpay bilang artista. Magkakaroon na ng malaking pangalan si Wendell Ramos. Sina Vilma Santos pa rin at Nora Aunor ay magbabalik-sigla sa kanilang career at mame-maintain pa rin nila ang respeto at pagbibigay-halaga ng mga taga-showbiz at mga manonood.

Sinabi pa rin ni Madam Suzette na malulutas na ang kaso ni Nida Blanca although patuloy pa ring magkakaroon ng iskandalo at aksidente ang ibang artista.

Drama pa rin, comedy, romance ang tema ng pelikulang mamamayagpag ngayon pero patuloy pa rin ang pagpapalabas ng bold movies.

Magiging tahimik ang ating bansa kumpara noong nakaraang taon at may pagbabago sa ating peace and order sa taong ito ng Year of the Goat, sabi pa ni Madam Suzette.
Aila Marie, Magbabalik-Pelikula
Nakita namin si Aila Marie, dating sexy star sa Gabi ng Parangal ng MMFFP at higit siyang gumanda ngayon. Kagagaling lang niya ng France kung saan nagtagal doon kapiling ng kanyang ama. Palibhasa’y artista, hinahanap-hanap niya ang muling pagharap sa kamera kaya sa tulong ni Direk Portiah Alviz ay babalik siya sa showbiz. Pero sa ngayon ay nasa telebisyon muna ang beauty niya kung saan kasama siya sa Sana ay Ikaw na Nga. May ibubuga naman sa pag-arte na isa ngayon sa mga bida ng Laging Sariwa ang Sugat ng BSU Films.

Kung matatandaan, si Aila ay isa sa may pinakamagandang mukha among our sexy stars. Nagsimula rin siya sa That’s Entertainment ni Kuya Germs bago pumalaot sa paghuhubad.

Marami na siyang movie offer ngayon pero pinipili niya ang mga proyekto, kabilang na ang isang solo picture.
Cogie, Nahahasa Na
Maraming nagsasabi na magaling na aktor si Cogie Domingo lalo na sa ipinamalas niya sa pelikulang Mano Po bilang batang Eddie Garcia. Naniniwala ang maraming kritiko na darating ang araw na magkakamit din siya ng acting award. He’s only 16 at malayo pa ang mararating bilang isang artista. Kahit anong role ang ibigay dito ay kaya niyang gampanan. Sumabak ito sa mature role sa episode na Magpakailanman kung saan isa siyang macho dancer.

Aware naman si Cogie na hindi bagay sa kanya ang role dahil lubha pa siyang bata pero bilang artista ay katungkulan niyang gampanan ang kahit anong role na maibibigay sa kanya. Malaki na ang nabago sa aktor pagdating sa propesyonalismo kaya naman gustung-gusto siya ng mga kasamahang artista sa Kung Mawawala Ka.

vuukle comment

AILA MARIE

ANGELU

KUNG

MADAM SUZETTE

NAMAN

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with