Francis M., nagtatampo kay FPJ
January 5, 2003 | 12:00am
Sa victory party ng Lastikman na ibinigay ng magkasosyong Orly Ilacad ng OctoArts Films at Vic Sotto ng M-Zet Films ay napag-alaman ko mula sa isa sa mga artista na lumalabas sa big hit movie na Lastikman na may tampo raw si Francis Magalona kay Fernando Poe, Jr., producer, director at star ng Ang Pagbabalik ng Lawin, isa sa mga pelikulang ipinalalabas sa Metro Manila Film Festival Philippines 2002. Sanhi ng pagtatampo ng tinaguriang Master Rapper of the Philippines sa kinikilalang Hari ng Aksyon sa Pelikulang Pilipino ay ang paggamit ng kanyang awiting "Mga Kababayan Ko" sa mga trailer ng Ang Alamat ng Lawin.
Wala man lamang daw pasabi o permiso na hiningi kay Francis man o sa Viva Records na siyang nag-release ng nasabing awitin on record ang FPJ Prods para ito gamitin sa pelikula. Pero, dahil sa si FPJ ang gumamit ng awitin kung kaya hindi na lamang sila kumikibo.
GMA Network has more reason to rejoice dahil maganda ang pasok ng taon para sa kanila. Bago pa matapos ang taong 2002 ay lumabas na ang annual survey ng Far Eastern Economic Review, ang "200 Asias Leading Companies" kung saan kabilang ang Network sa Top 10 RPs best companies. Eksaktong No. 10 ang GMA sa ranking habang ang rival network nito ay nalaglag sa No. 11. Nakakalungkot ito para sa kalaban dahil consistent sila sa Top 10 for the past three years. They even ranked as high as No. 3 nung 1999 at 2000 at No. 5 sila nung 2001. Mukhang nabaliktad ngayon ang sitwasyon. It looks like the time has come for GMA to reap the fruits of its labor. Magandang simula ito para sa kanila at magandang pampagana sa kanilang drive to the top.
Wala man lamang daw pasabi o permiso na hiningi kay Francis man o sa Viva Records na siyang nag-release ng nasabing awitin on record ang FPJ Prods para ito gamitin sa pelikula. Pero, dahil sa si FPJ ang gumamit ng awitin kung kaya hindi na lamang sila kumikibo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended