Hindi rin nominado ang musical score ni Blitz Padua na gumamit ng totoong ethnic instruments upang maging kapani-paniwala ang kulturang Pinoy sa panahon ni Lapu Lapu.
Ang balita ay sadyang inalis ang mga pangalan nina Coritha at Padua upang hindi mapansin ang matinding kompetisyon na ibinibigay ng kanilang obra. Si Padua ay tumanggap na ng parangal bilang musical director at ang mga pelikula niyang Sisa at Kriminal Sa Barrio Concepcion ay umani na ng papuri sa ibat ibang film festivals sa abroad.
Sinabi rin ng aking source na nang pumunta ng abroad si Rufa Mae para mag-taping ng isang TV program nito ay sinundo ni Hatfield ang kanyang mga kapatid at sinamahan sa sementeryo. All Saints Day nun. Pagkatapos ay dinala niya ito sa kanyang bahay.
"Sana magkabalikan sila dahil talagang mahal na mahal ni Rudy si Rufa Mae. Malaki ang kinikita nito kaya kaya niyang buhayin ang aktres. Ang kinikita ni Rufa Mae ay pwede na niyang gastusin sa pamilya niya.
"Totoo ba na nakarelasyon niya sina Bong Revilla, Mikey Arroyo at Rudy Fernandez?" huling tanong niya.
Magandang balita ito dahil makakagawa pa sila ng mga kasunod na pelikula. Marami pang taga-pelikula ang mabibigyan ng trabaho.
Kaya naman masaya ang atmosphere sa Eat Bulaga. Kanina nang nanonood ako ay nahawa na sa kasiyahan ni Vic ang mga kasamahan niya sa show, lalo na si Joey de Leon, na inaangkin (nagbibiro lang siya) ang kredito sa tagumpay ng Lastikman.
Mukhang maganda ang pasok ng taong 2003 hindi lamang para kay Vic kundi pati na rin kay Joey. Bukod sa matagumpay ang kanyang WoW Mali! sa ABC 5, maganda rin ang kanyang role sa teleserye ng GMA, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, bilang ama ni Tanya Garcia. Hindi siya komedyante rito, drama ang binabanatan niya. Pasable naman siya sa kanyang role.
Talagang nakatakda sa kanya ang manalo dahil hindi naman siya ang orihinal na gaganap ng role na ginampanan niya. Blessing in disguise ang pagkakaalis ni Assunta de Rossi sa pelikula. Kung hindi siya umalis, nakasama sana siya sa panalo ng Mano Po.
Im sure na kahit kaunti ay nakakaramdam siya ng panghihinayang. Ang pag-alis niya spelt winning not only for Kris but also for Ara Mina.
Ang problema ko ngayon ay kung paano ko gagamitin ang napaka-raming whitening soap na tinanggap ko for Christmas. Di kaya ako pumuti nang husto? Baka kapag ginamit ko lahat, di na ako makilala ng mga kaibigan ko.
For the first time in many years, wala akong tinanggap na hamon at keso de bola. Kinailangan kong bumili ng mga ito na itinuturing ko na simbolo ng Kapaskuhan.
For the first time in many years din, parang ngayong taon ay napakaraming nag-Merry Christmas sa akin. May mga umulit pa sa Bagong Taon. Tinanggap ko na lamang ito na resulta ng ating napakasamang ekonomiya.
Ipinagpasalamat ko na rin na marami akong napaligaya sa kabila ng aking kaliitan. I feel more blest.