Happy ang mag-ama sapagkat halos bawi na nila ang kapital nila sa Agimat na hanggang sa sinusulat ito ay nasa pangunahing posisyon pa rin sa box-office, kasunod ang Mano Po.
"Iba yung pasok ng tao nung Pasko. Ito ang nagbigay ng malaking kalamangan sa aming movie," sey ni Bong na ayaw nang pag-usapan pa kung ano man ang kaguluhan na naganap sa filmfest. "Sana lang ay matapos na ito. Di na mababawi pa yung mga hindi magandang naganap pero, sana maitama na ito sa susunod," dagdag pa ng Titanic action star.
Inamin ni Bong na naging maganda ang taong 2002 para sa kanya. "Taon ko kasi ito, Year of the Horse. After the defeat in the elections, matapos ang pain na idinulot ng politics, nakabawi na ako. Salamat sa showbiz na talaga namang priority ko. Di ko ito ipagpapalit. Ito ang bread and butter ko, ang source ng income ko."
Sa ngayon, maraming plano si Bong. "Pag-uusapan namin ni Joel (Lamangan) ang Dagohoy. Baka gawin namin ito."
Sinabi rin niya na ipada-dub ng Imus ang Agimat sa ibat ibang lengwahe tulad ng English at Chinese for the international market.
Mas nakakagulat kaysa nakakatakot ang Spirit Warriors. I failed to ask kung anong ratings ang ibinigay dito ng MTRCB pero naniniwala ako na pang-teeners ito, hindi pang bata. Sa dami ng mga bagets na nanood, alam ko ring hahabol ito sa box office results ng mga pelikulang pinipilahan ngayon once na ipalabas ito sa January 1.
Obvious na si Danilo Barrios ang pinakabida sa lima pero, madalas umagaw ng eksena si Vhong Navarro.
May mga bagets na tinitilian ang audience na nalaman kong mga bagong members ng Streetboys. Nakita ko lamang sila sa lobby pagkatapos ng screening ng movie.