Inamin daw ng magandang aktres na kapag may photo shoot siya at naka-bikini panty ay lumalabas ang kanyang pubic hair dahil sa pagiging balbon kaya nag-decide siyang magpa-landscape.
Mahilig talagang magparetoke ang aktres. Nauna na siyang nagpalaki ng dibdib at ngayon nga pati pubic hair niya ay pinaayos.
Ang kanyang launching movie ay pumatok sa takilya na sinundan ng pelikula kasama ang isa pang sikat na aktres.
Noon ay laging sinasabi nito na gusto niya talagang makawala sa bold image at maging isang magaling na artista na natupad ngayon.
Idinagdag pa ng magandang aktres na okey lang na wala siyang lovelife dahil mas mahalaga na maging matagumpay na artista. Ito bale ang pinakamasayang Pasko na naranasan niya dahil bukod sa kapiling ang kanyang dalawang pamilya ay nagkamit pa siya ng trophy.
Hindi mahahalatang nanggaling sa sakit si Senator Ramon Revilla na kasamang dumating ang anak na si Andrea na napakaganda ng gabing yon. Hindi rin nagbabago ang kagandahan ni Helen Gamboa na tumingkad ang kaputian sa kanyang tangerine gown. Sandali lang si Sunshine Cruz na matapos ang production number ay umalis din agad. Nakasuot ito ng fuschia pink na nagpatingkad din sa kaputian. Parehong naka-black sina Ara Mina at Mayor Vilma Santos.
Hindi akalain ni Ara Mina na siya ang mananalong Best Actress para sa Mano Po kaya wala siyang inihandang speech umiyak lang siya habang nagpapasalamat sa maraming taong nakatulong sa kanya. Kamukha nga talaga ni Ara si Chuck Mathay sabi ng nasa audience at parang pinagbiyak na bunga si Chuck at ang aktres.
Natuwa kami at nag-emote si Mother Lily dahil ilang beses itong umakyat ng stage para sa pagkapanalo ng kanyang pelikula sa ibat ibang kategorya.
Suportado pa rin ng mga Vilmanians ang kanilang idolo na naroon sa awards night. Everytime na nominado ang pelikula sa ibat ibang kategorya ay nagpapalakpakan sila. Gaya nang inaasahan, nanalo si Piolo Pascual para sa said movie bilang best supporting actor.
Halos lahat ng cast ng Lapu Lapu ay naroon bagamat kahit di nanalo ay ipinakita pa rin nila ang pagiging good sport at pakikiisa sa pagbabalik-sigla ng pelikula.
Nagtrabaho rin ito sa RVQ Productions nang mahabang panahon kaya nang malaman ni Dolphy ang pagpanaw nito ay napaluha rin siya.
Sayang nga at hindi na niya mababasa ang write-up ko tungkol sa kanya na ipinangako ko dahil sa nakita kong kasipagan nito sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng pelikula gayundin sa pagmamahal nito sa mga kasamahang artista at production staff ng Lapu Lapu. Kaya pala malungkot na ito nang mag-check-in sa hotel dahil may masama nang dinaramdam.
Si Boy ay isang magandang halimbawa sa pagiging dedicated sa trabaho. Alam namin na maligaya na siya sa kanyang paroroonan sa buhay na walang hanggan.