Sa bahay ni Angelika nag-Pasko si Victor Neri!

Ang ganda-ganda ngayon ni Angelika dela Cruz at maligayang-maligaya ang kanyang lovelife. Di man tuwirang sabihin kung magnobyo na sila ni Victor Neri ay mababanaag naman sa kanyang mga mata na in-love siya ngayon. Katunayan ay panay ang papuri nito kay Victor na mabait, maalaga at para siyang isang prinsesa kung ituring nito. Bukas na aklat na kay Angelika ang mga nakaraan sa buhay ng aktor. Ang mahalaga ay hindi naman ito kasal sa dating pag-ibig na kung saan may lovechild ito.

Matagal nang may crush si Victor kay Angelika sapul pa noong nasa ABS-CBN sila hanggang magkaroon ng pagkakataong magtambal sa soap opera ng GMA-7. Mag-asawa ang papel na ginampanan nila sa Liwanag ng Hatinggabi. Ngayon ay magkapareha rin sila sa Habang Kapiling Ka at dahil sa madalas na pagsasama sa taping ay muling nabuhay ang pag-ibig ni Victor kaya niligawan nito ang dalaga.

Lagi silang magkasama ngayon sa mga lakaran at nakakadalaw si Victor sa magarang tahanan ng kanyang mahal. Doon siya nagpalipas ng Bisperas ng Pasko. Tanggap naman si Victor ni Daddy Ernie bilang manliligaw ng kanyang anak dahil mabait naman ito at responsable kaya lang ayaw pa nitong magpakaseryoso si Angelika sa pag-ibig.

Nasa Amerika ang mga magulang ni Victor kaya malamang na sa paghihiwalay ng taon ay naroon din ito sa bahay nina Angelika.

"Wala na siguro akong mahihiling pa. Masaya at magkakasama kami ng aking pamilya. Maganda ang aking lovelife. Sana ay magkaroon ako ng magandang proyekto this year," aniya.

Sinabi niya na binigyan siya ni Victor ng isang bracelet. "Pareho kami pero wala pa akong regalo sa kanya," dagdag pa niya.

Kapag tapos na ang taping nila ng Habang Kapiling Ka ay lumalabas sila for dinner pero kadalasan ay kasama ng aktres ang nakababatang kapatid.
‘Lapu Lapu’, Highly Recommended
Napakataas ng pagpapahalagang inuukol ng mga taga-Cebu sa kanilang bayaning si Lapu Lapu. Katunayan, nang magtungo si Lito Lapid sa Lapu Lapu City (Cebu) ay mainit siyang tinanggap ng mga opisyales doon sa pangunguna ni Mayor & Mrs. Radaza.

Makikita ang bantayog ni Lapu Lapu sa kanilang bayan bilang kauna-unahang bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay para maipagtanggol ang kalayaan ng kanilang bayan na gustong kunin ni Magellan at ibigay ang pamumuno kay Rajah Humabon.

Makasaysayan ang pelikula na hindi dapat palampasin ng mga mag-aaral mula sa elementary hanggang kolehiyo na kumukuha ng History. Higit nilang maiintindihan kung bakit naging bayani si Lapu Lapu na ipinagmamalaki ng ating bansa at kung paano siya napatay. Malinaw lang na kapag tinanong kung sino si Lapu Lapu ay isinasagot na siya ang pumatay kay Magellan.

Dahil sa makatotohanang pagsasapelikula ng Lapu Lapu ay highly recommended ito ng Department of Education and Culture (DECS) at di dapat kaligtaang panoorin ng mga estudyante sa buong Kapuluan.
Miko At Sunshine Na?
Ngayong hiwalay na sina Miko Sotto at Angelika dela Cruz ayon sa isang reliable source ay sina Sunshine Dizon naman at Miko ang balitang nagkakamabutihan. Katunayan, sila ngayon ang madalas makita sa mga lakaran at sweet na sweet ang dalawa.

Ayon pa sa balita, hindi lang nililigawan ni Miko ang dalaga kundi magnobyo na raw ang dalawa. Kunsabagay hindi na gaanong masakit para kay Miko na makitang may iba nang mahal si Angelika dahil siya rin ay nakahanap na ng bagong mamahalin.
Pinakabongga Ang 2002 MMFFP
Sana ay maulit muli next year ang malaking tagumpay ng Metro Manila Film Festival Philippines. Star-studded ang festival sa lahat ng Parade of Stars na idinaos sa San Fernando, Davao at Cebu. Nasaksihan ko kung paano sinuportahan nina Fernando Poe, Jr., Bong Revilla, Rudy Fernandez, Dolphy at Lito Lapid ang pagdiriwang. Sumakay din sa float si Mayor Vilma Santos na dati-rati ay hindi niya ginagawa lalo na noong kasikatan na nito.

Excited din ang lahat kung paano gastusan at ayusan ang kani-kanilang float sa Parade of Stars kung saan lahat ay pare-parehong maganda. Naiiba ang float ng Agimat, Mano Po at Lapu Lapu. Kahit umulan ng malakas ay hindi pa rin iniwan ni FPJ at ibang malalaking artista ang kanilang karosa hanggang makarating sa Luneta Grandstand.

Ang nangyaring ito ay isang malinaw na indikasyon na nagbabalik-sigla na ang ating pelikulang Tagalog lalo pa nga at nakatutok si Chairman Bong Revilla, Jr. ng Videogram Regulatory Board para masugpo ang film piracy na siyang pumapatay sa ating industriya.
Blind Item: Call Boy Ng Tate, Sikat Na Artista Ngayon
Ayon sa isang reliable source ay nali-link ngayon sa isang mayamang matrona na taga-showbiz ang mestisuhing actor-singer. Lahat ng luho niya ay ibinibigay ng matrona. Maswerte siya dahil nabigyan agad ng break sa isang television show bagamat wala pang pelikulang ginagawa.

Ayon sa isang source ay hindi naman kataka-takang mangyari ito dahil sanay na niyang gawin ito dahil may tsismis na call boy daw ito sa Tate.

Show comments