Nagtawanan ang lahat ng mga nanonood sa loob ng istudyo lalo na nang biglang nag-one liner ang bold actress na gusto nitong magkaanak sa komedyante. Namula si Dolphy sa kapilyahan nito nang sabay itong sumalampak sa nakaupong komedyante. Halatang nabigla ang komedyante dahil ngayon lang ito nakitang di agad nakabato ng kanyang punch line sa kaharap. Agad namang binawi ni Osang ang kanyang sinabi dahil takot daw siya kay Zsazsa (Padilla).
Nang makausap namin ang bold actress ay sinabi nitong nagbibiro lang siya. Hindi raw puwedeng mangyari dahil baka "patayin" siya ng kanyang papa at baka kalbuhin siya ni Zsazsa. "Biro lang iyon pero bakit hindi kung totohanin. Ayyy, ano ba?! Matagal ko na kasi siyang napapanood at gusto ko na siya noong nagpa-Pacifica Falayfay pa yan. Gustung-gusto ko siya sa Ang Nanay Kong Tatay at nag-Darna pa yan. Huli ko ngang napanood ang Markova na talagang nakakatuwa."
Ano naman kaya ang gusto mo kay Dolphy kung totohanin niyang ligawan ka?
"Balitang-balita ang pagkabombilya niya eh!" pakwela ni Osang na sinabayan namin ng maharot na tawanan. AD