Sharon gusto ng anak na lalaki
December 29, 2002 | 12:00am
Ayon sa pahayag ni Senador Kiko Pangilinan ay hindi naman nagseselos si Sharon Cuneta sa dalawang anak na babae dahil mas maka-ama ang mga ito. Bagkus, natutuwa ito dahil kulang ang quality time na naibibigay niya sa kanyang mga angels dahil sa kanyang showbiz commitments. Lalo ngayong sabay nitong sisimulan ang dalawang pelikula para sa taong darating.
Dagdag pa ni Senador Pangilinan, ang rason kung bakit maglalagare ngayon ang kanyang esposa ng dalawang pelikula, yung una ay ang pagtatambalan nila ni Richard Gomez sa Viva at iyong isa naman ay pelikula niya with Aga Muhlach para sa Star Cinema ay dahil plano nitong mag-anak muli.
"Plano naming sundan si Frankie at kung masusunod ang gusto niya ay nanaisin nito ang isang baby boy. Napapansin kasi niya na ang dalawang anak namin na babae ay sa akin mas close kaya nga, gusto niya ng kakampi. Pag boy ang anak ninyo, posibleng sa nanay ito malapit pero wala naman kaming pinipili. Kung ano ang ibibigay sa amin ni Lord, tatanggapin namin ng buong puso," pahayag ni Mega.
Nakakatuwang kausap si Senador Pangilinan, kahit first time lang namin siyang makausap ay palagay na agad ang damdamin niya sa amin at magaan siyang kausap dahil may bahid showbiz ang usapan namin.
Ang ikinatuwa namin sa kanya ay wala siyang hindi sinasagot, maging ang tungkol sa pagdidiyeta ng kanyang megang asawa. "Di yan kumakain ng carbohydrates at ibang mga nakakatabang pagkain sa limang araw ng kanyang pagda-diet. Sa dalawang araw na natitira ay doon siya kumakain ng marami. Very effective yan sa kanya dahil may listahan siya ng mga kakainin."
Sino naman ang nagluluto sa kanyang pagkain pangdiyeta?
"Ang yaya niya na kung minsan ay makakalimutin na," nakakatuwang pahayag ni Senador Kiko. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am