Bahagi rin ng reunion movie si Charina Scott, anak ng namatay na record producer na si Larry Scott at naging anak ni Sharon sa Kapantay nung ito ay tatlong taong gulang pa lamang. Isang teenager na si Charina ngayon na gumaganap na anak nina Sharon at Richard na lumaki sa Amerika.
Kasama rin sa movie sina Paolo Bediones at Miriam Quiambao who are making their acting debut in the film, Dante Rivero, Pinky Amador, Nanette Inventor at King Alcala.
Ang Walang Kapalit ay isinulat ni Raquel Villavicencio at istorya ng isang estranged couple na nadiskubre na talagang nagmamahalan sila habang inaayos nila ang kanilang annulment.
Gusto kong kagalitan ang mga taong may kasalanan sa kapabayaang ito. Malaki ang kasalanan nila. Pero, naniniwala naman akong hindi intensyonal na iitsa pwera sina Lualhati at Neil. Talaga lang siguro na sa sobrang excitement ng mga nagpapatakbo ng MMFFP ay nagkasunud-sunod na ang kapalpakan nila.
Hindi nasunod ang hinihinging native costume para sa awards night. Marami ang naka-suit bagaman at Barong Tagalog ang required. Naka-gown din ang mga babae sa halip na naka-Filipiniana dress. Bakit kaya? Ikinahihiya ba nila ang ating costume o hindi lamang sila nagagandahan? Tsk. Tsk. Tsk.
Iba talaga ang criteria na sinusunod ng MMFF pagdating sa awards. Iba kaysa sa Famas, Star Awards o Urian. Dapat lamang na ang lahat ng mga pelikula at artista na sasali in the future ay maging aware dito, para hindi sila umasa at pagkatapos ay mabigo.