Chinchin sa papel ni Maritoni Fernandez

Kinilala bilang isa sa pinakamagandang mukha sa larangan ng pelikula at telebisyon si Maritoni Fernandez. Pero nagkasakit siya at nanlumo nang matuklasan ng mga doktor na she’s stricken with cancer. Dahil dito’y iniwan ni Maritoni ang career at katanyagan at nalapit siya sa Diyos at sa kanyang pamilya.

Habang nakikipaglaban sa cancer ay naging kaibigan niya si Kim na kahit bilang na ang mga oras sa mundo ay hindi pa rin nawawala ang pananalig. Si Kim ang naging inspirasyon ni Maritoni. Kung ano ang pinagdaanan niyang buhay at kung paano niloob ng Diyos na siya’y gumaling at eto — nakabalik na sa mundo ng showbiz, ay siyang mapapanood sa episode na Sa Muling Pagsikat ng Araw sa GMA-7 drama series titled Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco.

Ang gaganap na Maritoni ay ang byuti at talented actress na si Chinchin Gutierrez. Kasama rin sa cast sina Noni Buencamino (the husband), Isabella ‘Duday’ de Leon (the daughter), Pinky de Leon (the mother), Joel Trinidad (the manager) and Pinky Amador (Kim). Mula ito sa panulat ni Richard ‘Dode’ Cruz na dinirek ni Argel Joseph.

Isang buwan pa lang sa ere ang Magpakailanman pero umaani na ito ng tagumpay at top-rating sa mga program surveys. True-to-life stories ang mapapanood dito tuwing Lunes, 9 to 10:30 p.m. May interbyu rin si Mel Tiangco sa principal character ng story, patunay na di-kathang-isip lamang ang mga napapanood na episode sa programang ito.

Show comments