Nanalo ng Highly Commended Citation ang ABS-CBN sa kategoryang Broadcaster of the Year, ngunit sa labanang Terrestrial Channel of the Year ay tumaas pa ang ranking ng ABS-CBN, taking home the Runner Up Prize in the category.
Nanalo rin ang TV classic na Maalaala Mo Kaya. Sa ika-10 taon ng show na ito ni Charo Santos-Concio ay nagwawagi pa rin ang Maalaala Mo Kaya. Ang award sa taong ito ay ang Runner-up prize sa Best Single Drama or Telemovie category para sa episode nitong "Songbook". Ang episode na ito, na idinirihe ni Wenn Deramas, ay siyang unang pagtatambal ng dating mga magkaribal na child stars na sina Aiza Seguera and Matet de Leon. Sa pamamagitan ng "Songbook" ay nanalo rin si Aiza ng Best Drama Performance by an Actress award at the Asian TV Awards.
Ang musical special para sa Bantay Bata 163 na One Night with Regine ang dineklarang Asias Best Musical Special. Ang kauna-unahang concert na ini-stage sa steps ng National Museum, ang One Night with Regine ay Runner-up din in the Best Entertainment Special Category.
Nanguna rin ang mga childrens programming choices ng ABS-CBN. Ang ANAK-TV award-winning English tutorial Epol/Apple ay Runner-up sa Best Childrens Program category. "Highly Commended" naman ang Hirayamanawari episode na "Upuan" at ang episode ni Rico Puno ng Wansapanataym.