^

PSN Showbiz

ABS-CBN nagwagi sa Asian TV Awards

-
Namayagpag muli ang mga Pilipino sa Singapore sa pagkapanalo ng ABS-CBN ng siyam na tropeo sa 2002 Asian TV Awards. Sponsored ng magasin na Television Asia, lumaban ang ABS-CBN sa mga nominees from all across Asia, and emerged as the most awarded Philippine network. Nanguna rin ito sa top categories na Broadcaster of the Year and Terrestrial Channel of the Year.

Nanalo ng Highly Commended Citation ang ABS-CBN sa kategoryang Broadcaster of the Year, ngunit sa labanang Terrestrial Channel of the Year ay tumaas pa ang ranking ng ABS-CBN, taking home the Runner Up Prize in the category.

Nanalo rin ang TV classic na Maalaala Mo Kaya. Sa ika-10 taon ng show na ito ni Charo Santos-Concio ay nagwawagi pa rin ang Maalaala Mo Kaya. Ang award sa taong ito ay ang Runner-up prize sa Best Single Drama or Telemovie category para sa episode nitong "Songbook". Ang episode na ito, na idinirihe ni Wenn Deramas, ay siyang unang pagtatambal ng dating mga magkaribal na child stars na sina Aiza Seguera and Matet de Leon. Sa pamamagitan ng "Songbook" ay nanalo rin si Aiza ng Best Drama Performance by an Actress award at the Asian TV Awards.

Ang musical special para sa Bantay Bata 163 na One Night with Regine ang dineklarang Asia’s Best Musical Special. Ang kauna-unahang concert na ini-stage sa steps ng National Museum, ang One Night with Regine ay Runner-up din in the Best Entertainment Special Category.

Nanguna rin ang mga children’s programming choices ng ABS-CBN. Ang ANAK-TV award-winning English tutorial Epol/Apple ay Runner-up sa Best Children’s Program category. "Highly Commended" naman ang Hirayamanawari episode na "Upuan" at ang episode ni Rico Puno ng Wansapanataym.

AIZA SEGUERA

BANTAY BATA

BEST CHILDREN

BEST ENTERTAINMENT SPECIAL CATEGORY

BEST MUSICAL SPECIAL

BROADCASTER OF THE YEAR

MAALAALA MO KAYA

ONE NIGHT

TERRESTRIAL CHANNEL OF THE YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with