Leksiyon ng Dekada '70 kay Marvin

Hindi lamang ang Pasko ni Marvin Agustin ang gumanda dahilan sa pagkakasali niya sa Dekada ’70 ng Star Cinema. Maging ang kanyang Bagong Taon ay may promise ng more great things to come as he deviates from his wacky image on TV at humawak ng isang role with depth and intensity bilang isang writer na naging isang subersibo.

Para paghandaan ang kanyang role, napilitang magbasa ng mga libro si Marvin. Nagbasa rin siya ng dyaryo at nanood ng pelikula. Mas na-appreciate rin niya ang kanyang pamilya.

"Buhay ko ang pamilya ko pero sa pelikula nakita ko na maging magulo man ang lahat kapag may matatag kang pundasyon sa pamilya mo, magiging maayos kang tao na may stable na pag-iisip at damdamin.

"It was a total experience doing the film. Hindi matatawaran yung natutunan ko, hindi lang bilang isang aktor kundi bilang isang tao," aniya.

Show comments