Una siyang napansin sa isang commercial. Agad ay nasali si Karen sa ipinagmamalaki ng GMA-7 na youth oriented TV show na Click barkada. At may mahalaga rin siyang papel sa Ang IIbigin ay Ikaw. Kung saan nabibigyan siya ng pagkakataon na magdrama, at kasabayan pa niya ang ilang mahuhusay na artista ng nasabing soap.
Pero, maraming nakakapansin na madali ring nalulunod si Karen sa maganda niyang kalagayan ngayon, hindi pa man siya ganun kasikat. Sana maaga palang ay payuhan na agad si Karen. Dahil sayang naman kung mawala sa kanya ang magagandang kapalaran, na wala sa mga kasabayan niyang artista sa bakuran ng Siyete.