Pang-prime time ang gagawing soap ng dalawa na hindi pa siniguro ng aktres kung alin sa dalawang soap, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan o Sa Puso Ko, Iingatan Ka ang papalitan ng kanilang soap pero ang sinigurado ng aktres ay hindi ito mapapabilang sa pang-araw na palabas.
Pinabulaanan ni Vina na ayaw nitong magkaroon ng soap dahil posibleng maapektuhan ang kanyang mga show lalo na iyong pang-abroad. "No, its not true. Ang totoo nga niyan ay noon ko pa gustong magka-soap and thank God, I have it now. Hindi naman magiging conflict ito sa aking mga show dahil Ill see to it na magpapaalam ako months before my show."
Posibleng naintriga si Vina na ayaw nitong magka-soap opera kung pang-kontrabida ang kanyang magiging papel. "Di ko ma-imagine ang sarili ko na mumurahin sa mall at babatuhin ng tissue paper dahil kinakawawa ko ang bida sa soap. Im a singer at ayaw kong sa show ko ay mararanasan ko ang ganito." Alex Datu