Ayon kay Zsazsa, hindi lamang magaling kumanta ang kanyang anak, magaling din itong sumayaw at mag-host ng isang show. Tuwang-tuwa ito sa anak na dalaga dahil kahit nagkaroon ng problema ang kanilang pamilya ay lumaki itong mabait at matalino.
Hindi pa nagkasama sa isang show ang mag-ina maliban doon sa pag-guest ni Karylle sa special birthday show ni Zsazsa. "Huwag muna ngayon dahil wala pang pahintulot na magkasama kami sa isang TV show pero puwede naman na mag-guest ito sa isa sa mga concert ko bilang suporta sa akin."
Ikinatuwa ni Zsazsa na sumisikat ang kanyang anak sa sarili nitong kayod at hindi dahil nagkaroon ng package deal na karaniwang nangyayari sa ibang mga mang-aawit. Kung humahataw man si Zsazsa sa ASAP, pambato naman ng SOP si Karylle.
Ikinukunsidera ng mang-aawit na ang kanilang holiday season ay isang working holiday dahil sa pagkasali ng kanilang pelikula, ang Home Along D Riber sa Metro Manila Film Festival Philippines. Alex Datu