Nag-iisang action movie sa MMFFP

Lahat ng nakapanood ng preview ng Hula Mo Huli Ko, starring Rudy Fernandez at Rufa Mae Quinto para sa Metro Manila Film Festival ay nagkakaisa na hindi lamang ito isang action movie, marami rin itong nakatutuwang eksena na maaaring maglagay dito sa kategorya ng comedy.

But while Rufa takes care of the comedy and sex, konti lang naman, kay Rudy nanggagaling ang aksyon. At hindi biru-biro ang kalaban niya, isa itong kulto ng mga satanista na pumapatay ng mga pari at iba pang men of God sa pangalan ni Lucifer. Pero, kinaya sila ni Rudy sa pamamagitan ng kamao, baril at espada, sa tulong na rin ng ESP ni Rufa.

Sa direksyon ni Boy Vinarao, nagawa ring sabayan ni Daboy ang pakwela ng kanyang seksing kapareha. Hindi naman ito kataka-taka dahil isang lateblooming comedian si Daboy. Kailan lamang siya nagsimulang magpamalas ng kakayahan sa pagpapatawa, sa GMA sitcom na Daboy En Da Girl kasama si Rosanna Roces.

Bukod sa isang magandang istorya, pinaka-malakas na factor ng Hula Mo, Huli Ko ay ang napaka-gandang chemistry nina Daboy at Rufa, isang dahilan kung kaya marami ang naniniwala na nagkaroon sila ng relasyon bukod pa sa pagiging magkapareha sa pelikula.

Show comments