^

PSN Showbiz

Ang karisma ni FPJ

-
Ngayong nababalitang lalahok sa pulitika si Fernando Poe, Jr. ay lalong tumitingkad ang kanyang karisma na maraming taon ding nagpanatili sa kanya sa pedestal ng pelikula, sa ituktok nito.

Sa kabila ng sinasabi niyang kawalan niya ng interest na maging isang pulitiko, patuloy ang pagtanggap sa kanya ng tao hindi lamang billang isang kandidato kundi isang nanalo na.

Sa pagsama niya sa mga parada na ginanap na may kinalaman sa Metro Manila Film Festival Philippines, tinatawag na siyang "pangulo" maging sa mga lugar ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang karisma ng itinuturing na "Hari ng Aksyon" sinasakop ang lahat ng edad at uri ng lipunan. But, of course, he’s particularly appealing to the masa.

Napakaganda ng sinasabi sa kanya ni Julie Yap-Daza.

"
Sa isang mundo na puno ng gulo at iskandalo, nagawa ni FPJ na mapanatili ang image ng isang lalaking faithful sa asawa, sa kanyang propesyon at mga kaibigan.

Kung malakas ang karisma ni FPJ sa mga may edad, love rin siya ng mga bata. Katunayan, halos lahat ng pelikula niya ay may kasama siyang bata. Dati nga, ito ang trademark niya. Nagbago lamang ito nang madagdagan ng edad ang mga kasama niya at ngayon ay mga batang aktres na ang nakakapareha niya.

Hindi naiiba ang Ang Alamat ng Lawin, ang entry niya sa MMFFP na magsisimulang mapanood bukas, Araw ng Pasko. Medyo may kabataan pa rin si Ina Raymundo na kapareha niya. Ganundin ang apat na kabataang araw na napili para makasama niya sa movie, Ryan Yamazaki, Cathy Villar at Khen Kurllo.

Ronnie promises an A-1 entertainment na may positibo at uplifting message para sa mga bata at matatanda.

ANG ALAMAT

CATHY VILLAR

FERNANDO POE

INA RAYMUNDO

JULIE YAP-DAZA

KHEN KURLLO

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with