Sa pelikula ay dalawang character ang ginagampanan ni Jeffrey: Isa ay ang nerdy na si Jepoy na parating inaapi ng kanyang schoolmates at ang isa ay si Stryker, ang numero unong kalaban ni Lastikman.
"Mahirap na gampanan ang dalawang characters sa isang movie. Si Jepoy ay computer genius na student ni Professor Larry at fan ni Lastikman, na parehong role ni Vic Sotto. Mahirap in a way pero masaya siyang gawin. Kahit sa costume na sinuot ko as Stryker ay kakaiba. Na-challenge ako ng husto sa role ko rito sa movie."
First time ngang makatrabaho ni Jeffrey si Vic. Naalala pa ni Jeffrey nang first time niyang makilala si Vic noong siyay 18 years old pa lang.
"Na-intimidate ako sa kanya. Noong time na yon, isa siya sa top comedians ng bansa. Mabait siya at marami siyang sinabing maganda about my dad (Dolphy). Ang maganda kay Vic ay siya yung tipong hindi nago-overplay kapag nagpapatawa. Tama lang ang timpla niya kumbaga. Magugustuhan ng mga bata itong Lastikman kasi hindi lang ito puro special effects kundi may aral pa para sa kanila."
Isa si Jeffrey Quizon sa ipinagmamalaki ng local film industry. Nagwagi na siya ng 8 awards para sa role niya as the young Markova sa pelikulang Markova: Comfort Gay. Ang pinaka-coveted ay ang trophy from the Belgium International Film festival where he, Eric Quizon and Dolphy won Best Actor/Best Actress. Sa TV, mainstay siya sa sitcom na Daboy En Da Girl, ang travel show na Road Trip (RPN 9) at sa bagong GMA-7 soap na Hawak Ko Ang Langit.