No comment si Paolo sa tomboy na karelasyon ni Desiree
December 23, 2002 | 12:00am
Karugtong ito ng ginawang pagpapahintay ni Desiree del Valle sa mga artista at buong staff ng Tabing-Ilog nung Miyerkules sa Paete, Laguna.
Kinailangang mag-taping ng programa noong Sabado, para lang may mai-ere ang Tabing-Ilog, napakalaking trabaho at abala, nang dahil lang sa kawalan ng propesyonalismo ni Desiree del Valle.
Higit kaninumang miyembro ng cast ng Tabing-Ilog ay si Paolo Contis ang direktang nasasaktan kapag dumarating ng late ang dalaga sa set.
Una, sila ang magkatambal sa serye, kaya kapag wala si Desiree ay hindi rin nakukunan si Paolo.
Pangalawa, napakapropesyonal na aktor ni Paolo, bukod sa magaling na siyang umarte ay hindi siya nagiging problema ng produksyon, matindi ang pagrespeto ni Paolo sa kanyang mga kasamahan at sa kanyang trabaho.
Nasapul namin ang init ng ulo ni Paolo nung nakaraang Miyerkules ng gabi, ilang oras na ang nakararaan, pero hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isip ang ginawang pambibitin ng dalaga sa taping ng kanilang programa.
Alas-diyes ng umaga ang calltime nila sa Paete, Laguna dahil ang kasal nila ni Desiree ang kukunan.
Pasado alas-diyes ay nasa location na si Paolo, mas malaki ang kanyang paniwala na hindi darating si Desiree. Nadala na kasi ang batang aktor sa tatlong beses nitong pagdating ng anim na oras ang pagkahuli sa calltime.
Isang eksena lang ni Paolo ang nakunan, ang kabuuang oras na ipinamalagi niya sa Paete ay walang saysay na lang niyang ginugol sa nakababagot at nakaiinit ng ulong paghihintay sa kanyang kaparehang hindi niya alam kung darating ba o hindi.
Alas-kuwatro na nang hapon nagdesisyon si Direk Malu Sevilla na i-pack-up ang taping.
Masamang-masama ang loob ni Paolo sa nangyari dahil pinagbigyan na raw niya ang tatlong nakaraang taping na na-late ng apat hanggang anim na oras si Desiree, pero hindi raw niya sukat-akalaing hindi na ito tuluyang sisipot sa kompromiso.
Nung nakaraang linggo ay dalawang eksena lang ni Paolo ang napanood sa Tabing-Ilog. Hindi kasalanan ninuman ang nangyari, si Desiree lang ang dapat sisihin sa kakulangan ng exposure ni Paolo dahil sa kawalan ng kanyang kapareha sa mga eksenang kukunan.
Dati na palang maldita ang dalagang ito kahit nung sila pa ni Paolo ang magkarelasyon, malakas lang talaga ang karakter ng binata para dumisiplina, kaya napagbago niya ang kamalditahan ni Desiree.
"Dati, kapag naririnig ko siyang pasigaw na humihingi ng tubig sa utility, kinakausap ko siya at saka pinangangaralan.
"Sinasabi ko sa kanya, Puwede po bang makahingi ng tubig? Ganun ang marespetong pagsasabi ng gusto mo sa mga utility!"
"Lagi kong sinasabi kay Des na ang utility e, puwede pang umangat, pero siya, eh, wala na forever na lang siyang magiging artista!
"Ang utility, e, puwedeng maging researcher pagdating ng araw, puwedeng maging assistant director o director, pero siya, hanggang pagiging artista na lang siya!
"Hindi ko minamaliit ang pagiging artista, hindi ko puwedeng maliitin ang trabahong ito dahil isa rin akong artista, ang point ko lang, e, huwag siyang nagmamaldita sa mga kasamahan naming maliliit sa set.
"Sa kagaganun, napagbago ko siya, marunong na siyang gumamit ng paki, nagre-request na siya, hindi na pa-command ang panghihingi niya ng kung anumang kailangan niya," kuwento sa amin ni Paolo.
Ayaw niyang magbigay ng komento tungkol sa karelasyong tomboy ngayon ni Desiree, mahalay nga namang tingnan para sa isang dating karelasyong tulad niya ang pagbibigay ng opinyon tungkol sa lovelife ng dalaga.
Ang pinakikialaman lang ni Paolo ay ang linya ng kanilang trabaho, respetuhin lang, dahil hindi lang naman ang oras ni Desiree ang mahalaga sa mundong ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
18 hours ago
By Salve Asis | 18 hours ago
18 hours ago
By Boy Abunda | 18 hours ago
18 hours ago
By Gorgy Rula | 18 hours ago
Recommended