Hindi na nga kauna-unawa ang ginagawa niyang pagdating ng anim na oras na pagkahuli sa calltime, nung nakaraang Miyerkules ay talagang hindi na niya sinipot ang taping ng Tabing-Ilog, na sa Paete, Laguna pa ang location.
Sa kung anumang dahilan at interpretasyon, bandang alas-kuwatro ng hapon ay nag-text si Desiree sa staff ng Tabing-Ilog na alas-diyes pa lang nang umaga ay nagsisipaghintay na sa kanya, hindi raw niya makakayang gawin ang eksenang ikinakasal sila ni Paolo Contis," for personal reasons.
Mula alas-diyes ay nakatengga ang mga artista at staff ng programa, naghihintay sa nag-aastang superstar na hindi naman si Desiree, nagti-text siya na papunta na raw siya sa location.
Bagsak na ang katawan ng lahat sa paghihintay, mainit na ang ulo ni Direk Malu Sevilla, nagwawala na si Paolo na lagi na lang nagiging biktima ni Desiree sa pagpapahintay ng anim na oras sa taping.
Kapag kasi hindi dumarating si Desiree ay wala ring nakukunang eksena para kay Paolo, kaya buo man ang talent fee ng binata meron o wala siyang eksena, sa pag-eere naman ng programa ay luging-lugi ito sa exposure.
Ang linyang "Im on my way now" nung umaga ay nagbago na nung makapananghali, nagpatay na ng cellfone si Desiree, kaya wala nang paraan ang produksyon na makontak siya.
Nung bandang alas-kuwatro na ay nagdesisyon na si Direk Malu na i-pack-up na lang ang taping, luging-lugi ang Dos, dahil ginayakan nila ang simbahan ng Paete, Laguna para sa malaking eksena sana ng kasal nila ni Paolo.
Kahit sa Bituin ay isinusuka na rin ng staff ang pagiging palaging late ni Desiree sa taping, at ganung late na nga ay lagi pang nakakulong sa kanyang sasakyan, kung saan nandun ang tomboy niyang karelasyon.
Kapag magbabatuhan na sila ng linya ay kailangan pang sadyain ng staff si Desiree sa pinagpaparadahan ng sasakyan para bumaba na, at malaking abala yun para sa mga tauhan ng produksyon.
Marami ang nagsasabing mula nang bumalik mula sa Amerika si Desiree at makarelasyon ang tomboy na kung bansagan ng staff ay Nancy Navalta ay naging maldita na ang dalaga at wala nang pagrespeto sa oras ng kanyang mga kasamahang artista.
Nagtataka naman kami kung bakit kailangang palaging nakabuntot kay Desiree ang tomboy na yun, samantalang may panahon naman silang puwedeng magkasama hanggang kailan nila gusto, kapag tapos na ang trabaho ng dalaga?
At ano nga ba ang ibig sabihin ni Desiree sa dahilan niyang "for personal reasons" kaya hindi siya sumipot sa taping?
Ayaw ba siyang payagan ng karelasyon niyang tomboy na kunwariy pagpapakasal nila ni Paolo sa Tabing-Ilog?
Ganun na ba katindi ang pagkakahawak ng tomboy na ito sa leeg ni Desiree, kaya pati ang mga eksenang kunwa-kunwarihan lang naman ay pinepersonal na rin nito?
Kung ganyan nang ganyan ang inuugali ni Desiree at walang pangako ng pagbabago siyang binibitiwan sa Talent Center, ang kailangan ay patayin na lang ang kanyang mga karakter sa Tabing-Ilog at sa Bituin.
Kung si Desiree lang ang magiging dahilan ng sobra-sobrang gastos ng produksyon dahil sa kanyang kawalan ng respeto sa trabaho, mas mabuting gastusan na lang ng ABS-CBN ang pabolosang eksena ng burol ng mga karakter ni Desiree sa mga seryeng yun, para matuldukan na ang kanilang problema.