^

PSN Showbiz

Palaging may tag price ang salita ni Jules

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
May usung-usong tuksuhan ngayon sa bakuran ng ABS-CBN – "Sino’ng uminom ng mamahaling wine ko?!"

Hinango ang running joke na ‘yun sa patalastas ng isang inuming binotelyang pamatid-uhaw, pero ang kuwento ay nag-ugat naman sa nakaraang kasalang Cong. Jules Ledesma/Assunta de Rossi.

Sangkot kasi ang staff at crew ng Magandang Tanghali, Bayan! sa pagkaubos ng makasaysayang wine na pinatanda at pinag-edad ng kongresista para magamit sa wastong okasyon, pero bigla ngang naubos nang malingat siya, kaya ayon sa kwento ay nagalit at nagwala at nagsalita pa ng "Get out of my sight!" ang mister na ngayon ni Assunta de Rossi.

Mahilig namang magpaliwanag sa harap ng mga kamera ang pulitiko, kaya kung masyado nang sobra ang bersyon ng mga kwentong nakarating sa amin, ay maaari naman siyang magpaliwanag.

Pero sa takbo kasi ng kuwento ng mga dumalo sa kasal nina Cong. Jules at Assunta ay hindi naman gagalawin ng staff at crew ang botelya ng disinuwebe anyos nang alak na ‘yun kung hindi ipinainom ni Jules.

May halo pa ngang kayabangan ang kanyang pag-aalok, ayon sa mga uminom at nakiinom, dahil ang sabi raw ng pulitiko ay sa pagkakataong ‘yun lang makaiinom ng mamahaling wine na pinag-edad na ang grupo.

Natural, dahil inalok nga ang mga itong uminom ay natural lang na pinagbigyan naman siya ng grupo, pero hindi sukat-akalain ng mga ito na ikapagwawala pala ng pulitiko ang pagkaubos ng wine.

"Bakit n’yo inubos ang wine ko? Bakit naubos ang mamahaling wine ko? Get out of my sight!" galit na galit pa raw na sabi ng mister ni Assunta, sabay padabog na pumasok sa kanyang kuwarto.

‘Yun ang paboritong tuksuhan-biruan ngayon sa production ng ABS-CBN, pinagtitripang biruin ng marami ang mga staff ng MTB! na sumama sa kasalang Jules-Assunta sa San Carlos, Negros Occidental, para sa coverage ng kasal na ipalalabas sa ABS-CBN.
* * *
Hindi lang sa kuwento ng makasaysayang wine nagsisimula at natatapos ang mga kuwento ng marami sa ginanap na kasalan, marami pang kuwentong kumakalat ngayon tungkol sa okasyon, na ang palaging bida ay si Cong. Jules.

Bawat salita raw kasi ng kongresita ay may halong pagkuwenta.

Hindi raw puwedeng magsalita si Jules nang walang kahalong presyo, palaging may tag price ang kanyang mga salita, na ikinairita ng maraming nandu’n.

"O, ingatan n’yo ang mga pinggan, nine thousand each ang halaga niyan!"

"O, ang mga muwebles, mamahalin ang mga ‘yan, baka magasgasan, hindi dito gawa ang mga furnitures na ‘yan, galing pa sa abroad ‘yan!"

Ganu’n daw palagi ang tono ng pananalita ng pulitiko, kaya hindi na pinagtatakhan pa ng mga dumalo sa kasal kung kanino at saan nanggagaling ang presyo ng mga alahas na iniregalo noon ng kongresista kay Assunta.

Kung matatandaan, nu’ng bagu-bago pa lang na magka-relasyon sina Jules at Assunta ay palaging laman ng kanilang mga panayam ang presyo ng mga alahas na ibinibigay ng pulitiko sa seksing aktres.

Nakakasawa raw kausap-kakwentuhan si Cong. Jules dahil puro ang kanyang sarili ang bida sa kwentuhan.

ASSUNTA

BAKIT

JULES

JULES LEDESMA

MAGANDANG TANGHALI

NEGROS OCCIDENTAL

ROSSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with