^

PSN Showbiz

Nakakatakot nga ba ang pelikula ni Vic Sotto?

- Veronica R. Samio -
Nagbibiro ba si Vic Sotto o nagsasaad ng isang di mapasusubaliang katotohanan nang bigyan niya ng hustisya ang di pagkakasali ng kanyang pelikulang Lastikman sa pagsasabing "Natatakot sila sa akin!".

Ang ikalawang pasya ng screening committee ng MMFFP na sabay-sabay nang ipalabas ang siyam na pelikulang ginawa para sa festival ay labis na tinutulan ng maraming producers at stars na nakapasok sa "Magic 7". Nagbanta pa sila na aatras sa festival kung itutuloy ng komite ang kanilang desisyon. Kaya, pinangatawanan na lamang ang pasya na ang dalawang huling pelikula na pinagpilian ay sa Enero 1 na lamang ipalalabas. Papalitan nito ang dalawang pelikula na may pinakamaliit na kita sa takilya. Muli, naatras ang showing ng Spirit Warriors 2 The Shortcut at Lastikman sa Enero 1. Mapapanood na ang dalawa sa unang araw ng taong 2003. Na ikinalungkot nung una ng napakaraming bata na ngayon pa lamang ay nararahuyo na sa trailer ng pelikula ni Bossing (palayaw kay Vic). At kung hindi lamang sa assurance ng kanilang mga mommy na sa sinehan sila magba-Bagong Taon, ay baka iyakan pa nila ang pagkaka-delay ng showing ng Lastikman na pinangungunahan din ng Asia MTV VJ na si Donita Rose, Jeffrey Quizon at Michael V.

Katulad ng ibang entry, ginamitan din ng mamahaling special effects ang Lastikman.

Enjoy ang mga bata sa trailer na kung saan ay humahaba ang katawan ni Lastikman at nagsilbing isang malaking tirador na ipinanlalaban sa mga masasamang loob.

"I’m sure na hindi nagyayabang si Bossing sa pagsasabing kinatatakutan siya sa filmfest.

Baka isa lamang yung paraan para hindi siya mawalan ng loob dahilan sa naging pasya ng komite na iitsa- pwera siya.

"Hindi ito ang unang pagkakataon. Nakatikim na rin ako ng ganitong treatment sa kanila nun sa isa ko pang filmfest entry. Nagtataka nga ako na hindi pa nai-screen ang pelikula ay hinuhulaan na agad na malalaglag ito," kuwento ni Vic during the presscon of his movie na ginawa ng kanyang M-Zet Productions in cooperation with Octo-Arts Films.
* * *
Nag-shine naman si Jolina Magdangal sa Home Alone D Riber, MMFFP entry ng RVQ Productions at ipinapanood sa press nung Miyerkules ng tanghali sa sinehan ng Podium. Hindi siya naiwan ng hari ng komedi na si Dolphy sa kanilang mga eksena. Maski na sa mga eksena niya na hindi kasama ito ay nagawa niyang ipakilala ang kanyang sarili bilang isang mahusay na komedyante. Hindi nagkamali si Dolphy na pagkatiwalaan siya ng isang napaka-halagang role sa pelikula.

Magaling na talaga si Vandolph. Sa pelikula hindi siya binigyan ng tratong ispesyal dahil sa nangyaring sakuna sa kanya. Talagang nagtrabaho siya.

Pero, gusto kong papurihan si Eddie Gutierrez na umangat din sa kanyang role.

Nakakatawa talaga siya bilang isang trying hard to speak English na suitor ni Zsazsa Padilla. For a change, hindi ako nagalit sa kanya. Sa halip natawa ako sa kanyang performance.
* * *
Ilan nang entries ang napanood ko sa festival pero, hindi napag-iiwanan ang Lapu-Lapu ni Lito Lapid sa ilalim ng direksyon ni William Mayo. Obvious na bibigyan nito ng mahigpit na laban ang anim o walo pang pelikula na kasama sa festival.

vuukle comment

BAGONG TAON

DOLPHY

DONITA ROSE

EDDIE GUTIERREZ

ENERO

HOME ALONE D RIBER

LASTIKMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with