Sa aming naging panayam kay Malik, host member ng weekly variety na SOP at contract artist ng MCA Universal, tahasan nitong sinabi na taga-loob din ng GMA-7 Studio 3 ang tumitira at nagnanakaw ng mga gamit nila.
Ikinukwento pa nito na sinubukan niyang i-text sa kanyang nawalang cellphone ang suspek. Nakipag-text pa ito umano sa kanya at nakipag-negotiate pang ibabalik sa kanya ang mga ninakaw, kung idedeposito nito ang halagang P2,000 pisong pabuya sa bank account na ibibigay ng nagnakaw sa kanya.
Sabi ni Malik, "I cant trust you anymore kasi ninakawan mo na ako! Kinonsensya niya pa yung magnanakaw na nagpapa-dialysis siya. Kaya nagkamali siya ng ninakawan. Mabuti nga yung pabango ko hindi na niya ninakaw kasi nakapagnakaw na siya ng pabango kay Dingdong Dantes."
Hindi lamang pala cellphone ang ninakaw na kay Malik. Ilan sa mga nanakaw na sa kanya ay Digital Camera worth P35,000 na hinuhulugan pa niya, wallet na may credit cards, lisensya, walkman at P1,500 cash money. (Ulat Ni Boni A. Casiano)