"Malungkot kami kasi first time na mangyayari sa family na hindi namin kasama ang dalawang anak ko ngayong Pasko. Hindi kami sanay," malungkot na kuwento sa amin ni Mommy Alma.
Ayon kay Mommy Alma, matagal na raw hinihingi ng kanyang mga anak ang nasabing bakasyon nagkataon lang na itong December ang ibinigay na schedule ng ABS-CBN Talent Center.
Bale sa mga kapatid ni Daddy Dondi sa Los Angeles, California magi-stay sina Camille at John. Pawang mga successful businessmen kasi ang mga kapatid ni Daddy Dondi sa America.
Ayon kay Mommy, gustuhin man niyang samahan sina Camille at John, hindi puwede dahil may tatlo pa siyang anak na kailangang asikasuhin.
"Gusto ko talagang makapagbakasyon sila roon at makapagpahina kahit two weeks lang. Ang mga uncle and auntie nila ang bahala sa kanila doon," kuwento pa ni Mommy Alma.
Kung magkakaayos, in between the vacation ay magkaroon ng show sina John at Camille sa California. May producer na matagal nang gustong kunin sina John at Camille even noong may show pa silang G-mik. Dalawa sila sa pinakasikat na young stars sa mga Pinoy sa States.
Sa December 31 ang balik nina John at Camille. Dito na sila magsi-celebrate ng New Year.
Recently ay nagkaroon ng show si Vanessa sa Speckles Theater sa San Diego kasama si Troy Montero.
Si Melissa ay dating talent handler ng Star Circle Batch 4 kung saan member si Vanessa. Nagkita silang dalawa after 3 years. Ayon sa kuwento ni Melissa, wala siyang nakitang signs of pregnancy ni Vanessa.
"Honestly, shes not!" sabi ni Melissa. "My goodness, she dances so well and the audience in the show can attest that she isnt pregnant. Marami siyang napasayang tao sa show."
Ayon kay Melissa, nakita niya ang kasiyahan sa mukha ni Vanessa. "I sensed that she has so much peace of mind now and she is very happy in Canada career-wise. She is into modeling in Canada. She went back to school din."
Nangako si Melissa that she will e-mail us the photos taken during the said show of Vanessa and Troy para naman mai-print namin sa column na ito.
"I had to read the novel first para makita ko ang clear picture ng role ni Amanda Bartolome. Iba kasi ang role ni Amanda compared kay Lea Bustamante sa Bata, Bata Pano Ka Ginawa? Kaya pinaarte talaga ako dito ni Direk Chito (Roño) sa kung ano ang kailangang role. Kailangan kasing maging truthful kami sa character sa novel," sabi ni Vilma.
Seeing the movie in its entirely, masasabi naming sigurado na si Vilma sa Best Actress plum. Ang husay ng pagkakaganap niya sa nasabing role. This is really something new na ipakikita ni Vilma sa kanyang mga tagasubaybay.
Nakakabilib ang career strategy ni Vilma. Kumbaga, sigurado siya sa bawat galaw niya. Kahit once a year lang siyang gumawa ng pelikula, aasahan mong matindi ito at tiyak na sa box-office at awards. Kaya next year, sa award season, with Dekada 70 asahan na naman ang pamamayani ni Vilma.