Regine nagkasakit sa shoot ng sexy MTV!

Maraming balita na kumakalat na may malubhang karamdaman daw si Regine Velasquez. Syempre, na-alarma ang napaka-rami niyang tagahanga at tagasubaybay. Afraid sila na baka ang karamdamang sinasabi nila na taglay niya ay magiging resulta ng pagkawala ng boses niya.

"Maski ako na-alarma. Akala ko kung ano na yun. Sumasakit kasi ng grabe ang ulo ko. Siguro nung nagpapa-konsulta ako, may nakakita kaya kumalat na ang kung anu-anong balita. Pero, ang totoo kong sakit ay severe migraine lamang," anang Asia’s Songbird.

"Gininaw siguro ako nang nagsu-shooting kami ng MTV ng "Sa Aking Pag-iisa"," sabi niyang humahalaklak dahil hindi niya sukat akalain na ganun ka-seksi lumabas ang resulta.

"Nung kinukunan yung MTV, hindi ako concentrated dahil nag-aaral akong mag-lip synch. Alam n’yo naman na mahina ako rito. I’d rather sing live. Pero, aware ako na sexy ang eksena pero, hindi ganun ka-sexy. Nagulat din ang mom ko nang makita yung rushes. Nagalit! Ngayong tapos na ang MTV, ayaw ko nang ipapapanood sa kanya dahil alam ko na ang magiging reaksyon niya. Hindi ko nga ipinaaalam sa kanya na tapos na at labas na ang MTV."

Ngayon pa lamang ay napakalakas na ng benta ng "Regine Velasquez’s Greatest Hits" na kung saan nakapaloob ang "Sa Aking Pag-iisa" sexy video. Ito ang kauna-unahang audio-visual anthology na nagawa. Bumenta na ito ng 20,000 kopya at inaasahang aabot ito ng Platinum level.

Ang iba pang kasama sa album ay ang "Ikaw", "Dahil May Isang Ikaw", "On The Wings of Love", "Fallin", "In Your Eyes", "Lost Without Your Love", "For the Love of You" at "One Love".

Sa ngayon ay nagsisimula pa lamang maka-recover si Regine sa kanyang "sakit". She hopes na bago magsimula ang shooting ng kanyang movie with Christopher de Leon ay bumalik na ang dati niyang pangangatawan. "Hindi ko napapansin pero, pumayat talaga ako. nagkaroon ako ng eyebags at nanlalim ang pisngi ko. Pero, bumabalik na muli ang katawan ko," sabi pa niya.
*****
Marami ang umaasam na magkaroon ng magandang resulta ang pagtatrabaho nina Angelika dela Cruz at Victor Neri sa teleserye ng GMA na Habang Kapiling Ka.

Marami kasi ang nakakapansin sa gumagandang samahan ng dalawa. At dahil parehong walang commitments (wala nga ba?) inaasahan ng marami na madadala nila sa likod ng kamera ang isang tunay na romansa.
*****
Pasko na. Napakatagal nating hinintay ito pero bakit parang napakabilis nitong matapos? Abala nga ba tayo at hindi natin napapansin ang pagdating nito? O may ibang dahilan pa?

Kahit na anong sitwasyon tayo datnan ng Pasko, sana ay gawin nating makahulugan ang araw na ito. Kung ang bawat isa sa atin ay may isang tao na mapapaligaya o mapapaginhawa sa araw na ito, mayroon pa bang matitirang malungkot at nagugutom sa araw ng Pasko?
*****
Galing na ba kayo sa Policarpio, Mandaluyong? Dun sa lugar na hindi yata nagtitipid sa kuryente dahil lahat ng bahay ay napapalibutan ng napakararaming Christmas lights. Lahat din ng bahay ay may Santa Claus, live at animated. Ito yung lugar na madalas i-feature sa TV ngayon, lalo na yung bahay na ang may-ari ay nangungulekta ng mga Santa Clauses.

Napunta ako dun, sa paanyaya ni Ricky Reyes nang magbigay siya ng pamasko sa mga senior citizens. Ang Christmas party at gift-giving ay dun ginanap sa Policarpio, sa bahay nina Mang Domeng at Aling Baby na ang pagbibigay ng Pamasko sa mga matatanda ay isa nang tradisyon na ginanap sa kanilang bahay taun-taon. Sa nakaraang tatlong taon, nakasama nila si Mother Ricky, as the salon magnate is more popularly known by friends. Dun nagsasayawan ang mga matatanda, nagkakantahan, nagkakasayahan na ang palaging finale ay ang pagtanggap ng Pamasko sa kanilang benefactors, Mother Ricky, at ang mag-asawang Mang Domeng at Aling Baby na kilala sa kanilang lugar dahilan sa matagumpay nilang negosyo ng kaldero.

Mistulang tiangge ang buong Policarpio St. May tindang Christmas decors and lights, toys, RTW, food, souvenir items at mga Santa Claus, figurine, pencil tops, mobiles at kung anu-ano pa.

Mababait din ang tao sa Policarpio. Kami, inasistihan nila at inihatid sa aming pupuntahan dahilan sa nagtanong lamang kami sa kanila. Ni hindi nila alam na taga-media kami. Ang alam lang nila, makikiusyoso lang kami sa ipinagmamalaki nilang yearly event na ngayon ay isa nang malaking tourist attraction ng Mandaluyong.

Show comments