Lester, umuwi na sa tunay na ina!
December 18, 2002 | 12:00am
Magkahalong-saya at lungkot ang nadarama ng batang aktor na si Lester Llansang kaugnay sa kanyang problema tungkol sa kanyang pagkatao. Malungkot dahil iiwanan na niya ang kanyang lola na nagpalaki sa kanya at kinikilala niyang pamilya.
Masaya dahil pagkalipas ng maraming taon ay makakasama na niya ang kanyang ina, si Gemalyn Ferrer na matagal na panahon ding nangulila dahil hindi man lamang nito nakapiling ang kanyang anak.
Lumayas si Lester sa kanyang lolang kinalakihan dahil hindi nila naibigan ang pag-uwi ng batang aktor ng alas tres ng umaga buhat sa taping ng isang youth oriented program sa GMA 7. Pinaratangan pa nila ang batang aktor na madalas na umuwi ng lasing o di kaya ay nakainom ng alak. Masamang impluwensya diumano ang kanyang manager. Nagdesisyon si Lester na hanapin ang tunay na mga magulang niya.
Nagkita kami ni Gemalyn Ferrer, ang tunay na ina ni Lester. Aniya, "hindi pera ang kailangan ko sa anak ko. Masaya na ako na kilalanin niyang tunay na ina. Ipinagmamalaki ko na iyon. At maraming salamat sa Diyos dahil binigyan niya ng tamang kaisipan ang anak ko na kilalanin niya ako bilang kanyang tunay na ina. Desisyon ng anak ko ang lumipat sa akin. Sana pagbigyan naman natin at igalang ang desisyon niyang iyon."
Kasama rin si Lester sa Ang Agimat: Ang Anting-Anting ni Lolo ng Imus Productions. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am