Nagkaroon kasi ng konting di pagkakaintindihan nang baguhin ng Execom Committee ang ini-announce nilang una at hindi sumang-ayon ang anim na producers na nagbalak mag-back out kung itutuloy ang binagong desisyon. Pero nagpadala ng sulat ang anim na producers na mag-stick na lamang ang Execom sa first decision nila. Nag-usap sila muli at ang final decision ay iyon na ring una at ang Lastikman ay mapapanood na lamang simula sa January 1, 2003 kasabay ang Spirit Warriors ng Regal Films. Sayang at marami pa namang naghihintay sa pelikulang ito na ginastusan talaga ang special effects.
Still on the MMFFP, inilipat na ang awards night sa December 30, sa Plenary Hall pa rin ng PICC, produced by Wilson Tieng at ididirek pa rin ni Roger Velilia.
Para sa kanya, di na niya makakalimutan na once, nakasama niya ang dalawa sa hinahangaan niyang artista, sina Vilma Santos at Christopher de Leon sa isang malaking pelikula. Wala nga raw lamang siyang confrontation scene with his Ate Vi and Tito Boyet dahil very passive ang kanyang character na mas gusto niyang magsulat sa loob ng room niya at mapag-isa.
Next year, more on drama projects ang gagawin ni Marvin, kaya twice a week na lamang siyang mapapanood sa MTB every Friday and Saturday na lamang siya magho-host doon. Kahit ang paggi-guest niya sa Sunday soap na Tabing Ilog na dapat ay one month lamang ay na-extend pa dahil nagustuhan daw ng televiewers ang pagda-drama niya roon.
This Christmas Eve and New Years Eve, sa bahay daw lamang siya at kinabukasan, pupuntahan nila ang Daddy niya, na hopefully ay malapit nang makalabas sa New Bilibid Penetentiary dahil sa magandang record nito.
Kadarating lamang ni Marvin, kasama si Dominic Ochoa, from Waikiki, Hawaii, kung saan ini-launch ang Rico Yan Foundation.
Off-camera, madalas daw siyang binibiro ni Bong tungkol sa mga crush niya, like si Dindin Llanera, iyong younger sister daw ni Anne Curtis na si Jasmin at isang classmate niya. Naiinis nga raw siya dahil ang dami niyang karibal kay Dindin, isa rito si Jiro Manio, kaya nagtawanan ang mga press na kaharap niya. Biro nga sa kanya, ang bata-bata pa niya, playboy na siya at bakit hindi niya gamitin ang power niya kay Dindin. Sa pelikula raw lamang iyon at wala naman siya talagang power.
Regular na napapanood si Goyong sa Beh, Bote Nga as genie na may powers, tulad ng power din niya sa Agimat.