Masaya ngang naikwento ni Dingdong na baka siya ang napaglilihian ng kanyang asawa dahil malambing ito sa kanya lalo na ngayon. Lahat naman ng gustong pagkain ni Jessa ay ibinigay niya kahit gabi na gaya ng mais o kayay taho.
Ayon kay Dingdong, swerte ang pregnancy ni Jessa dahil dumami ang kanyang mga shows. May concert pa siya sa buwang ito. Itinuturing nilang pinakamahalagang biyayang natanggap nila ang pagdating ng anghel sa kanilang bahay.
"Wala na akong mahihiling pa sa buhay lalo na sa aking career at pamilya ngayon. "Sana ay laging maayos ang kalagayan ng aking mga anak," aniya.
"Maraming nangyari behind the scenes na nakatutuwa. One time ay may eksena ang libu-libong ekstra na kasama sa tribal war. Ang init-init ng sikat ng araw sa Subic kaya naiinitan ang mga artista ko. Matapos kunan ang eksena ay biglang nagtalunan sa dagat ang mga ekstra para maligo dahil hindi matagalan ang init. Kaya nang umahon ang mga ito ay nabura ang tattoo ng ilan sa kanila, kinailangan nilang magpa-tattoo uli na bumibilang din ng ilang oras.
"Mahirap kapag maraming mga ekstra gaya ng isang eksena kung saan halo ang mga babae at lalaki. Nang matapos ito ay sinisilip ko sa kamera ang tagpo at laking gulat ko nang makitang ang isa sa kanila ay bading na naka-make-up pa at ang taas ng kilay. Ni-reshoot ko uli ito dahil hindi pa uso ang make-up noong panahon ng Kastila lalo na kung halata ang eyebrow pencil. Akala mo ay babaeng-babae ang bading dahil nakasuot ito ng damit na pambabae. Tinuruan pa naming magdasal ng Our Father si Cloyd Robinson dahil hindi niya alam ito gayundin ang pag-aantanda. Siya kasi si Padre Valderama na nagdaos ng Unang Misa sa Limasawa. Kahit pagod kaming lahat ay lagi namang nagbibiruan sa set kaya masaya kaming lahat," paliwanag nito.
Pero naging mapagkumbaba naman ito at humihingi ng paumahin sa taong nasaktan ang damdamin.
Marami na ring pelikulang nagawa ang aktor at ngayon ay may nakalinya ng movie na ipapalabas na rin.