Maswerte ang baby kina Dingdong at Jessa
December 18, 2002 | 12:00am
Dalawang buwan na ang dinadala sa sinapupunan ni Jessa Zaragoza. Maganda ang Pasko nila ng kanyang asawang si Dingdong Avanzado dahil natupad na rin ang kanilang pangarap na magkaroon ng anak. Ingat na ingat ngayon ang magandang singer-actress dahil sinabihan siya ng kanyang OB Gyne na mag-ingat lalo na kapag malapit nang mag-three months ang pagbubuntis niya. Ibayong pagdarasal ang ginagawa nilang mag-asawa.
Masaya ngang naikwento ni Dingdong na baka siya ang napaglilihian ng kanyang asawa dahil malambing ito sa kanya lalo na ngayon. Lahat naman ng gustong pagkain ni Jessa ay ibinigay niya kahit gabi na gaya ng mais o kayay taho.
Ayon kay Dingdong, swerte ang pregnancy ni Jessa dahil dumami ang kanyang mga shows. May concert pa siya sa buwang ito. Itinuturing nilang pinakamahalagang biyayang natanggap nila ang pagdating ng anghel sa kanilang bahay.
Di aalis ngayong Pasko si Dolphy na tulad nang nakagawian nila in the past nina Zsazsa Padilla at mga anak. Magiging abala sila sa promosyon ng Home Alone D Riber na entry ng RVQ Productions sa MMFFP. Sasali siya sa parada kaya lang kakatawanin siya ni Jolina Magdangal sa Davao at Cebu. Pero sa December 24 ay sasama sa Parade of Stars ang komedyante.
"Wala na akong mahihiling pa sa buhay lalo na sa aking career at pamilya ngayon. "Sana ay laging maayos ang kalagayan ng aking mga anak," aniya.
Isa si Direk William Mayo na cool magdirek dahil hindi siya yung tipong naninigaw kapag may nagawang di maganda ang kanyang mga artista o kayay hindi makaarte at nakaka-ilang take na. Kaya naman masaya silang lahat sa syuting na inabot ng halos isang buwan.
"Maraming nangyari behind the scenes na nakatutuwa. One time ay may eksena ang libu-libong ekstra na kasama sa tribal war. Ang init-init ng sikat ng araw sa Subic kaya naiinitan ang mga artista ko. Matapos kunan ang eksena ay biglang nagtalunan sa dagat ang mga ekstra para maligo dahil hindi matagalan ang init. Kaya nang umahon ang mga ito ay nabura ang tattoo ng ilan sa kanila, kinailangan nilang magpa-tattoo uli na bumibilang din ng ilang oras.
"Mahirap kapag maraming mga ekstra gaya ng isang eksena kung saan halo ang mga babae at lalaki. Nang matapos ito ay sinisilip ko sa kamera ang tagpo at laking gulat ko nang makitang ang isa sa kanila ay bading na naka-make-up pa at ang taas ng kilay. Ni-reshoot ko uli ito dahil hindi pa uso ang make-up noong panahon ng Kastila lalo na kung halata ang eyebrow pencil. Akala mo ay babaeng-babae ang bading dahil nakasuot ito ng damit na pambabae. Tinuruan pa naming magdasal ng Our Father si Cloyd Robinson dahil hindi niya alam ito gayundin ang pag-aantanda. Siya kasi si Padre Valderama na nagdaos ng Unang Misa sa Limasawa. Kahit pagod kaming lahat ay lagi namang nagbibiruan sa set kaya masaya kaming lahat," paliwanag nito.
Kahit may hinahawakang posisyon ang aktor na ito at kilala sa buong bayan na palamura ito kung saan kahit mga pang-araw-araw na biruan ay favorite expression niya ang "p
ina. pare" na hindi na pinapansin ng iba. Kaya naman kapag nagalit ito ay mabilis siyang magbitiw ng ganoong salita na hindi inaasahan sa isang iginagalang na tao.
Pero naging mapagkumbaba naman ito at humihingi ng paumahin sa taong nasaktan ang damdamin.
Marami na ring pelikulang nagawa ang aktor at ngayon ay may nakalinya ng movie na ipapalabas na rin.
Masaya ngang naikwento ni Dingdong na baka siya ang napaglilihian ng kanyang asawa dahil malambing ito sa kanya lalo na ngayon. Lahat naman ng gustong pagkain ni Jessa ay ibinigay niya kahit gabi na gaya ng mais o kayay taho.
Ayon kay Dingdong, swerte ang pregnancy ni Jessa dahil dumami ang kanyang mga shows. May concert pa siya sa buwang ito. Itinuturing nilang pinakamahalagang biyayang natanggap nila ang pagdating ng anghel sa kanilang bahay.
"Wala na akong mahihiling pa sa buhay lalo na sa aking career at pamilya ngayon. "Sana ay laging maayos ang kalagayan ng aking mga anak," aniya.
"Maraming nangyari behind the scenes na nakatutuwa. One time ay may eksena ang libu-libong ekstra na kasama sa tribal war. Ang init-init ng sikat ng araw sa Subic kaya naiinitan ang mga artista ko. Matapos kunan ang eksena ay biglang nagtalunan sa dagat ang mga ekstra para maligo dahil hindi matagalan ang init. Kaya nang umahon ang mga ito ay nabura ang tattoo ng ilan sa kanila, kinailangan nilang magpa-tattoo uli na bumibilang din ng ilang oras.
"Mahirap kapag maraming mga ekstra gaya ng isang eksena kung saan halo ang mga babae at lalaki. Nang matapos ito ay sinisilip ko sa kamera ang tagpo at laking gulat ko nang makitang ang isa sa kanila ay bading na naka-make-up pa at ang taas ng kilay. Ni-reshoot ko uli ito dahil hindi pa uso ang make-up noong panahon ng Kastila lalo na kung halata ang eyebrow pencil. Akala mo ay babaeng-babae ang bading dahil nakasuot ito ng damit na pambabae. Tinuruan pa naming magdasal ng Our Father si Cloyd Robinson dahil hindi niya alam ito gayundin ang pag-aantanda. Siya kasi si Padre Valderama na nagdaos ng Unang Misa sa Limasawa. Kahit pagod kaming lahat ay lagi namang nagbibiruan sa set kaya masaya kaming lahat," paliwanag nito.
Pero naging mapagkumbaba naman ito at humihingi ng paumahin sa taong nasaktan ang damdamin.
Marami na ring pelikulang nagawa ang aktor at ngayon ay may nakalinya ng movie na ipapalabas na rin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended